^

PSN Opinyon

Kalusugan at katayuan ng mga Pinoy ilagay sa ayos - Biazon

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
DUMARAMI ng Noypi taun-taon may 84 million na yata tayo ngayon kaya lumalabas na tayo na yata ang pinakamarami sa buong Asya.

Ang resulta ng ating pagdami ay ang patuloy na kahirapan sa Pinas.

Ngayong eleksyon sandamakmak ang kandidato puro pangako sa bayan pero mukhang umiiwas ang bawat isa sa isyu ng pagdami ng populasyon.

Si Senator Rodolfo Biazon lang ang alam natin tumatangkilik sa pagpaplano ng pamilya at mga batas tungkol sa kababaihan.

Isa kasi ito sa kanyang mga advocacies sa Senado.

Naghain ng panukalang batas noong 12th Congress ang dating magiting na heneral ng AFP, ito iyong Reproductive Health Care Act.

Gusto kasi ni Biazon, pag-ibayuhin, pagbutihin ang kalusugan at katayuan ng mga Noypi sa pamamagitan ng pagpapatibay ng kanilang karapatan sa reproductive health care at reproductive self determination.

Nakapaloob sa panukala ni Biazon, ang mga reproductive rights ng kababaihan at gender equality.

Sinisikap ni Biazon, na mabigyan ng universal access sa tamang serbisyo, impormasyon at edukasyon tungkol sa reproductive health services.

Ang karapatan ng mga mag-asawa na malayang mag-desisyon kung kailan at ilan ang kanilang magiging anak.

Sabi ni Biazon, dahil sa lumalaking populasyon, mahalaga na mabigyan ang mga tao ng tamang pagkain, pabahay, edukasyon, kalusugan, trabaho, katahimikan, gender equality at youth development.

‘‘Maganda pala ang pangarap ni Biazon para sa mga Noypi,’’  anang kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

‘‘Siyempre hindi naman palpak si Biazon sa Senado,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Kaya pala marami itong magandang panukalang batas sa Senado.’’

‘‘Tumpak ka diyan!’’

‘‘Kahit noong General pa ito sa AFP ay walang kapalpakan sa mga sundalo,’’ natutuwang sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Dapat kasi malaman ng Noypi ang mga nagawa ni Biazon sa Pinas.’’

‘‘Kaya sana huwag natin siyang kalimutan sa eleksyon.’’

‘‘May isa pang maganda kay Biazon.’’

‘‘Ano?

‘‘Hindi siya trapo!’’

‘‘Diyan tama ka, kamote.’’

ANO

ASYA

BIAZON

CRAME

KAYA

NOYPI

REPRODUCTIVE HEALTH CARE ACT

SENADO

SI SENATOR RODOLFO BIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with