^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Amoy bagwis ng pandaraya

-
KAHIT natuloy ang balak na automation project ng Commission on Election (Comelec) ay hindi rin pala sagot para maiwasan ang dayaan. Kahit nakatikim na ng katiting na computerization (nasubukan kahit paano sa registration at validation) may mga nakalusot pa ring "mandadaya". Hindi rin siguradong magiging malinis ang 2004 election kahit na nga natuloy ang computerization. Paano pa kung buong bansa na ang isasailalim sa computerization, e di marami rin ang lulusot para mandaya. Mabuti na ngang naibasura muna ang balak na computerization.

Sa Comelec na rin nanggaling na may 500,000 botante ang nagparehistro ng doble. Karamihan umano sa mga nagdobleng rehistro ay mula sa Metro Manila at Autonomous Region in Muslim Mindanao. Kung ganyan karami sa Metro Manila at sa ARMM, gaano pa karami sa maraming bahagi ng bansa. Nakababahala ang ganitong pahayag ng Comelec. Isang palatandaan na magiging marumi ang darating na eleksiyon. Sabagay, kailan ba nagkaroon ng malinis at maayos na election sa bansang ito. Bawat election ay nababahiran ng dayaan at bumabaha ng dugo. Ngayong araw na ito ay simula na ng kampanya para sa kakandidato para sa presidente at bise presidente. Mai-imagine na rin kung gaano karaming putik ang titilamsik sa damit ng mga magkakalaban.

Numero unong problema ng Comelec ay kung paano mapipigilan ang mga flying voters. Tuwing election ay nagliliparan ang mga bayarang botante at walang magawa ang Comelec dito. Sa kasaysayan ng Comelec, wala pang mga commissioner na nakagawa ng paraan para magkaroon ng isang malinis na election.

Kung mapapansin, kapag malapit na ang election ay makikita ang pagkapal ng mga tao sa squatters area. Saan nanggaling ang mga ito? Ngayo’y pakapal nang pakapal pa at natural namang hindi makapagsagawa ng demolition ang mga awtoridad sapagkat kakailanganin ang boto ng mga nasa squatters area. Sa dami ng mga squatters dito sa Metro Manila, malaki ang mawawala kung sila’y dudurugin.

Ang ganitong kalakaran ay nangyayari na noon pa. At hindi na nakapagtataka kung maraming pulitiko ang mismong humahawak na sa mga squatters at pinuprotektahan ang mga ito. Isang masamang gawain na nagdudulot para lalo lamang dumami ang mga squatters. Habang parami sila nang parami, lalong lumalaki ang problema ng Comelec sa dami ng flying voters. Baka hindi nga lang doble nagrehistro kundi baka triple pa.

AUTONOMOUS REGION

BAWAT

COMELEC

ELECTION

ISANG

KUNG

METRO MANILA

MUSLIM MINDANAO

SA COMELEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with