^

PSN Opinyon

Luzon,nangunguna sa CMP

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
DAHIL na rin sa dami ng mga maralitang tagalungsod, ang mga rehiyon sa Luzon ang nangunguna sa tulong pinansiyal sa ilalim ng Community Mortage Program (CMP) umabot sa P3.5 B o 81.7% ng kabuuang naipautang sa 15 taon ng CMP ang pumunta sa iba’t ibang lugar at proyekto ng CMP.

Sa kabuuang halaga, pinakamarami ang napunta sa National Capital Region (NCR) na umabot sa humigit P2B 0 46.7% ng kabuuan. Sumunod ang Region IV, kung saan P875.8M halaga ang naipahiram para sa mga proyekto o 20.2% at ang Region III na may P396.4B o 9% ng kabuuan. Ang natitirang P798.7B o 18.3% ay napunta sa Mindanao at Visayas.

Sa kabuuan, may 138,871 na mga pamilya ang natulungan ng CMP upang magkaroon ng kaseguruhan sa lupa at paninirahan. Sa bilang na ito, 52,645 na mga pamilyang-benepisyaryo ang nakatira sa Luzon, samantala 52,392 naman ang nasa NCR.

Mula noong nilunsad ang CMP ng National Home Mortgage Finance Corporation, may 1,104 proyekto na ang naipatupad, 536 dito ang nasa NCR, 281 sa Luzon, 169 sa Mindanao at 118 naman sa Visayas.

Patuloy po ang pagsisikap ng pamahalaan upang mas maraming pamilya pa ang makinabang sa proyektong ito at mabigyan ng kaseguruhan sa lupa at paninirahan.

vuukle comment

CMP

COMMUNITY MORTAGE PROGRAM

LUZON

MINDANAO

MULA

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL HOME MORTGAGE FINANCE CORPORATION

PATULOY

SUMUNOD

VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with