^

PSN Opinyon

Magtipid sa tubig

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Ang tubig ay buhay. Napakahalaga ng tubig sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa ngayon ay nadarama ang Krisis sa tubig. Patuloy ang pagbaba ng water level ng Angat Dam. Nagbawas na ng limang porsiyento at pinangangambahan na aabot sa 20 porsiyento kapag hindi umulan o bumagyo.

Sa Metro Manila araw-araw ay 80 libong kababayan ang sinusuplayan ng tubig – tig-40 libo ang Maynilad at Manila Water. Ayon sa mga spokesman Jess Matubis ng Maynilad at Joel Lacsamana ng Manila Water, dapat na magkaisa ang lahat sa pagtitipid ng tubig. Ang dalawang water concessioners ay nagpalabas ng mga tips sa water conservation kabilang na ang pagkukumpuni ng mga sirang tubo na sanhi ng pagtagas ng tubig. Napag-alaman na marami pa ring tubo ang lampas na ng 100 taon sa kalumaan at ito’y dapat nang palitan.

Maraming water leakage sa kalye ang dapat na ayusin. Dapat ding tigilan na ang mga illegal water connections at bigyan-diin ang pangangalaga ng kalikasan gaya ng paghihigpit sa mga subdivision developers na pati ang mga bukal at sapa na mga water sources ay tinatabunan ng lupa.

Dapat ding iwasang mag-shower dahil maraming tubig ang naaaksaya. Gumamit na lang ng timba at tabo sa paliligo. Sa mga naghihilamos, nagsisipilyo at nag-aahit dapat na sarahan ang gripo at huwag pabayaang dumaloy ang tubig at dapat ding matutong mag-recycle gaya ng tubig-panlaba na puwedeng gamiting pambaldiyo ng bahay, pam-flush sa kubeta at pandilig sa mga halaman.

ANGAT DAM

DAPAT

JESS MATUBIS

JOEL LACSAMANA

MANILA WATER

MAYNILAD

SA METRO MANILA

TUBIG

WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with