Pabahay program ni Pangulong Marcos nasa tamang direksiyon
MANILA, Philippines — Malaki ang tiwala ni San Jose del Monte City Rep. Rida Robes na nasa tamang direksiyon ang administrasyong Marcos para maisulong ang malawakang pabahay sa buong bansa sa tulong na rin ng mga departamento at ng suporta ni House Speaker Martin Romualdez.
Kasabay nito, pinasalamatan din ni Robes si Speaker Romualdez sa pagbibigay sa kanya ng tiwala na pamunuan ang Committee on Housing and Urban Development.
Ayon kay Robes, ang pagkakahirang sa kanya ni Romualdez bilang Chairperson ng komite at sa suporta ng mga miyembro ay patunay na lamang sa sinsiridad ng lider ng Kamara na maging katuwang ito ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagsusulong ng programang pabahay sa buong bansa.
Sa apat na araw na paglulunsad ng Housing Caravan: Asensong Ramdam, sinabi Robes na mas naging epektibo ang pabahay program ng administrasyon, lalo na’t nasimulan na sa kanilang lungsod, sa tulong Mayor Arthur Robes, ang pagkakaloob ng mga titulo at sertipikasyon para sa pagmamay-ari ng mga benepisaryo.
- Latest