^

Bansa

Duterte inaming pumatay ng 6-7 kriminal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Duterte inaming pumatay ng 6-7 kriminal
Former president Rodrigo Duterte, seated next to former senator Leila de Lima, attends a joint committee hearing in the House of Representatives on November 13, 2024
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inamin nitong Miyerkules ni dating ­Pangulong Rodrigo Duterte na pumatay siya ng anim hanggang pitong kriminal sa panahong siya pa ang Mayor ng Davao City.

Ginawa ni Duterte ang pag-amin sa ­pagharap nito sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Quad Committee sa imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng libong pinaghihinalaang drug personalities sa extra judicial killings ng kontrobersyal na giyera kontra droga.

Kinuwestiyon ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas kung may napatay ng tao si dating Pangulong Duterte ­kriminal man o inosenteng sibilyan.

“Ako? Marami. Mga 6 o 7. Hindi ko na-follow up sa hospital kung natuluyan,” ayon kay Duterte na umamin matapos manumpang magsasabi ng katotohanan.

Sinabi ni Duterte na noong panahon siya pa ang alkalde ng Davao City ay nagpapatrulya siya sa mga lansa­ngan sakay ng motorsiklo kung saan nais niyang maka-engkuwentro ang mga kriminal.

“Nagdasal po ako na magmo-motor ako na may mag-hold-upper diyan. At kung [mahuli] kita, talagang patayin kita. Wala akong pasensya sa kriminal,” punto ni Duterte.

Ipinagmalaki ni Duterte na sa kaniyang panahon bilang alkalde ng Davao City ay naging maayos ang peace and order sa kanilang lugar.

Tinanong din ni Brosas si Duterte kung inaako ba nito ang responsibilidad sa anti-drug campaign ay hinamon ito na isapubliko at sabihin ito sa harapan ng pamilya ng mga inosenteng biktima na naipit lamang sa kasagsagan ng putukan sa pagitan ng mga awtoridad at ng mga drug personalities.

“I and I alone take full legal responsibility sa lahat na nagawa ng mga pulis pursuant to my order. Ako ang managot. At ako ang makulong, huwag ‘yung pulis na sumunod sa order ko,” giit muli ni Duterte na pinanindigan ang kaniyang naunang pahayag.

“I had to issue or make a policy statement about drugs. At all that happened, ‘yung nangyari pursuant to my order to stop the drug problem in this country, akin ‘yun. Akin na akin ‘yun. Ako ang nagbigay ng order kasi ginawa nila illegal or legal, akin ‘yun. At ito, I take full responsibility for it”, tugon ng dating Pangulo.

Nilinaw naman ni Duterte na kung may bayolenteng pagpalag ay inutos niya mismo sa mga pulis na patayin ang mga kriminal kung sa palagay ng mga ito ay nanganganib na ang kanilang buhay dahil baka maunahan pa sila.

Sunod na tanong ni Brosas, “Dahil polisiya niyo rin ‘yan, tama ba, sa Davao? Nung nasa Davao pa kayo. Tama ba na tawagin po itong Davao model or Davao style, Mr. Chair? Yes or no lang.”

Hindi naman nagustuhan ni Duterte ang tanong.

“Do not ask me to answer yes or no. You are not an investigator. Why are you asking me to answer yes or no. Ano ka Pulis?” tanong ni Duterte kay Brosas.

Nang uminit ang tensyon, sinuspinde ng overall committee chairperson na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagdinig at pinaalalahanan ang lahat na panatilihin ang proper decorum.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with