^

Bansa

Ofel napanatili lakas, Pepito papasok sa PAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ofel napanatili lakas, Pepito papasok sa PAR
Taglay ni Ofel ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 km bawat oras at pagbugso ng hangin na aabot sa 150 km bawat oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Napanatili ng Bagyong Ofel ang kanyang lakas habang ito ay kumikilos sa may kanluran hilagang kanluran ng Philippine sea.

Taglay ni Ofel ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 km bawat oras at pagbugso ng hangin na aabot sa 150 km bawat oras.

Ayon sa PAGASA, dalawang scenario ang maaaring maganap kaugnay ng bagyong Ofel. Ito ay kikilos sa hilagang kanluran hanggang Biyernes bago umikot sa kanluran timog kanluran sa weekend o magkakaroon ng bahagyang recurving track.

Sa susunod na 24 oras, si Ofel ay lalakas at maaaring mag-landfall oras na marating ang peak intensity.

Ngayong Huwebes, si Ofel ay inaasahang nasa layong 165 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Habang nananalasa si Ofel sa bansa, isa pang weather disturbance ang nagbabantang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Huwebes. Oras na pumasok, ito ay tatawaging Pepito, ang ika-16 na bagyo sa bansa.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with