^

PSN Opinyon

Pandaraya't pamemeke ng CATT-GAS Mindanao Ave sa QC (2)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MALAKING bagay ang mga impormasyong ibinigay ng aming ‘‘asset’’ na taga-loob laban sa CATT-GAS refilling plant sa Mindanao Ave. Quezon City.

Nagawa ng aming ‘‘asset’’ na ilantad ang kanyang mga nalalaman at nakikita tungkol sa mga ILEGAL na nagaganap sa loob ng plantang ito.

Lahat ng kanyang salaysay dokumentado ng aming TV camera. Nagagawa raw ng planta na ibenta sa mas mababang presyo ang Liquefied Petrolium Gas (LPG) sa kanilang mga ‘‘suking’’ dealers, dahil ang mga ito ay mula sa ‘‘pasingaw’’ o ’yung mga nakaw na LPG.

Ang "pasingaw’’ ay lengguwaheng ginagamit ng mga ‘‘dorobong’’ tsuper at pahinante ng mga haulers tulad ng BMF, NORTHPOINT, UNION GAS at LIQUIGAS.

Ayon pa sa aming ‘‘asset’’ na si ‘‘Ding,’’ labas-pasok sa refilling station ng CATT-GAS ang ilan sa mga ‘‘bullet’’ o mga tanker trucks na mga haulers ng SHELL, PETRON at iba pang major players, lingid sa kanilang kaalaman.

Tone-tonelada ang bentahan ng LPG sa planta ng CATT-GAS sa Mindanao Avenue. Binibili ng CATT-GAS ang mga nakaw na LPG sa mga miyembro ng sindikatong ‘‘pasingaw’’ ang 40 toneladang LPG sa halagang P180,000.

Ayon sa asset, P15.00 per kilo lang ang bili ng CATT-GAS sa mga sindikato. Ibinibenta naman ito ng CATT-GAS P24.00 per kilo sa mga nagkalat na suking dealers nito. Samantala ang regular na bentahan bawat kilo ay nasa P27.00

Ang ginagawa naman ng mga suking dealers na nagpapa-refill ng LPG sa CATT-GAS, ’yung mga cylinder tanks ng GASUL, SHELLANE at TOTAL ay ilegal na pinasasalinan na rin sa CATT-GAS.

Alam ng CATT-GAS na ILEGAL ang gawaing ito dahil hindi sila awtorisado ng mga nabanggit na kompanya. Subalit dito sila kumikita sa panloloko’t pang-gagantso at pakikipagkutsabahan ng kanilang mga gahamang dealers.

Karamihan, ang laman ng kanilang mga LPG cylinders ay mga underweight o kulang sa tamang timbang ilang kilo rin ang nababawas. Kung kaya’t nagtataka na lang ang mga mamimili kung bakit madaling maubos ang laman ng kanilang cylinder tank.

Maliban dito, nanganganib pa ang kanilang mga tahanan dahil peke ang mga selyong ginagamit sa mga nabanggit na kompanya. Ilang insidente na mga sunog ay dahil dito.

Kalimitan ang mga tanke ay mga peke at nakaw pa at hindi sumasailalim sa tamang quality assurance na isinasagawa ng mga lehitimong kompanya.

Kaya ang talo rito ay ang mga mamimili. Wala silang kamuwang-muwang! At ang yumayaman ay ang mga manggagantsong refilling plant.

Panoorin ngayong Sabado sa ‘‘BITAG’’ sa IBC-13, 7:00-7:30 ng gabi ang buong detalye. Simula sa isinagawang ‘‘undercover operations’’ hanggang sa paglusob (raid) ng mga operatiba ng CIDG kasama ang ‘‘BITAG’’ sa nasabing planta. Esklusibo mapapanood sa BITAG lamang!
* * *
Para sa inyong reaksiyon, reklamo at sumbong i-text sa aming Hotline (0918)9346417 o tumawag sa telepono 932-5310/932-8919. At manood tuwing Sabado 7:00-8:00 p.m. sa IBC-13, ‘‘BITAG.’’

AYON

CATT

GAS

LIQUEFIED PETROLIUM GAS

LPG

MINDANAO AVE

MINDANAO AVENUE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with