^

PSN Opinyon

"Mga liham mula sa email"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
NAG-ANUNSYO PO AKO NG AKING EMAIL AT NASISIYAHAN NAMAN AKO NA MAY MGA NAGSUSULAT SA AKIN SA [email protected]. Nung nakaraang Friday, January 30, 2004, inilathala ko ang isang email na naka-address kay President Gloria Macapagal Arroyo.

Humihingi ako ng paumanhin dahil sa sobrang haba ng email, lumiit masyado ang mga titik ng ating column. Para sa gustong mag-email, huwag n’yong habaan dahil hindi ko ito mabibigyan ng espasyo. Hindi po ako ang tanging kolumnista sa pahayagang ito.

Ginawan na lang ng paraan ng aking mga editors na mailabas ang buong email. Nagpapasalamat ako dun.

Isa pa, mas maganda kung kayo’y hindi sana’y na mag-Ingles, Tagalog na lang. Para maintindihan kayo at hindi kayo maakasuhan ng "ILLEGAL POSSESSION OF ENGLISH." (biro lang po.)

May sumagot sa liham para kay President Gloria Macapagal-Arroyo at sa ngalan ng "fair and balance reporting’ inilalathala ko rin ito.

Narito muna ang liham ng mga taga PT&T Co.

Gud Day Mr Calvento,

Nais ko po lamang naming humingi ng tulong sa inyo at mailatha ang lahat ng hirap namin dito sa aming kompanya. Kami po ay mga regular na empleyado ng PT&T.

Simula po ng December 2002 nag-umpisa ang aming paghihirap lalo na po sa pagsahod, kami po ay 15-30 basis pero ang nangyayari ay hulugan ang aming sahod na hinahati sa 4 na bigay o 3 bigayan. Di nagtagal mga mid of 2003, di na po pumayag ang PNB sa ganung process at hinati na lamang po ang sahod na 2 bigayan hanggang ngayon.

Hindi rin po naghuhulog ang aming kompanya ng SSS contribution simula pa ng taong 2000 kaya marami sa amin ang hindi makapag-loan pati na rin po sa Pag-Ibig. Iyon pong aming tax refund last year ay hindi nila ibinigay hanggang ngayon at meron na naman po uli ngayon bale dalawang beses na at wala pa kaming balita kung maibibigay pa?

Marami po sa amin ang nagtitiyaga sa ganitong palakad ng kompanya sa kadahilanang mahirap po ang buhay sa ngayon walang ibang mapapasukan at takot na rin po na tanggalin kami sa kompanya dahil hanggang ngayon po ay di pa rin natatapos ang retrenchment sa amin. Sa loob po ng isang taon, mga 5 times po ang tanggalan.

Sana po ay matulungan n’yo kami sa aming problema kasi po baon na baon na po kami sa mga utang. Mahirap ibadyet ang kalakalahating sahod. More powers po at salamat.

(requested that name be withheld.)

"Kung totoo man itong ipinaabot sa akin. Kayong mga opisyales ng PT&T. Dapat niyong aksyunan ang mga kababayan nating maliliit. Ang pang-aapi sa kapwa ay gawaing masama" (Calvento Files)
* * *
I have read ur column yesterday. Bakit po kya paulit ulit sya s cnabi nya. C Mr. Mendeja namn po ay mba n mpa din. Ska ung mgaswa n un ay mgkbf p lng ay dun na ngtatrabaho kya hndi masasbi n NEPOTISM un. Ska masyado namn nya hnahamak c mr. Medeja para sbhn n stockroom custodian lamang. — 09183877584

"Magandang sagutin din ito nung nag-email sa akin at pakiusap lang, magtagalog ka na dahil hirap akong basahin yung english mo. Paki-iklian mo lang para hindi mukhang nobela. "go straight to the point" (From Calvento Files.)
* * *
Heto ay isang panawagan sa atin mula sa ating kababayan natin mula pa sa Riyadh, Saudi Arabia:

Good pm. Nand2 po kmi ngayon sa Bahay Kalinga sa Riyadh, mga stranded na tumakas sa amo. Ang problema naming ay kung papano uuwi at mklbas sa deportation center ng Riyadh o SSWA. May tao sng mkktulong sa amin pero wala sya sa posisyon, dti syang officer ng Embhda ng Pilipinas pero naalis sya sa posisyon, si Sir Bashir J. Ayob. Nblitaan naming na mlkas syang mkpagpauwi noon, pero ppno nya kami mtu2lungan kung hindi sya mkblik sa posisyon? Please Help! - +96652948609

"Nanawagan po ako kay Ambassador Roy Señeres na tugunan ang problema nitong ating mga kababayang OFW SA RIYADH sa lalong madaling panahon." (calvento files)


Mula po ngayon, ang inyong liham sa akin ay bibigyan ko ng pansin sa ating column. Ganun din yung mga nag-tetext sa akin.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG CALVENTO FILES, 7788442.

AMBASSADOR ROY SE

BAHAY KALINGA

CALVENTO FILES

FROM CALVENTO FILES

MR CALVENTO

MR. MENDEJA

RIYADH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with