^

PSN Opinyon

Pagbabalik sa mano-manong bilangan, ilegal

- Al G. Pedroche -
SA hangarin nating maiprisinta ang lahat ng anggulo sa isyu ng computerized elections, gusto kong itampok ngayon ang pahayag ng ating kaibigang si Ike Señeres, dating director-general ng national computer center (NCC) at ngayo’y chairman ng Makati City Information and Communications Technology Council. Aniya, "walang legal basis ang pagbabalik sa manual counting ng COMELEC.

Naging mainit na usapan ang pagbabalik sa mano-manong bilangan matapos ideklara ng Korte Suprema na "tiwali" ang pinasok na kontrata ng COMELEC sa computerization ng eleksyon. Maaalalang sinalungat natin sa kolum na ito ang partial computerization dahil si COMELEC Chair Ben Abalos na rin ang umamin na 30 porsyento lamang ng halalan ang puwedeng i-computerize. Hindi pa sapat ang mga equipment para sa full automation ng darating na halalan sa Mayo. Pero binigyang diin ni Señeres na ang Automation Law o RA 8436 ay isa nang "ganap na batas". Dahil dito, ang batas ay kailanggang maipatupad.

Nang bumoto ang Supreme Court laban sa kontratang pinasok ng COMELEC sa isang pribadong grupo, obserbasyon ng ilan na tila nilabag ng SC (nang hindi nalalaman) ang batas sa automation. Nilaktawan diumano ng SC ang karakter ng COMELEC bilang isang independiyenteng lupon.

Pinanghimasukan daw ng Korte ang COMELEC at "kinapon" ang batas sa automation na dapat maipatupad. At kung babanggitin ang legal opinions nina Justice Tinga at Chief Justice Davide, wala silang sinasabing nagkaroon ng anomalya sa kontratang pinasok ng COMELEC. Sa katunayan, nagpaalala pa nga si Tinga na ang tungkulin lamang ng SC ay "resolbahin" ang legal na usapin.

Iiling-iling ang ilang observers. Ano raw ba ang tunay na dahilan ng kontrobersyang ito? talaga bang may kapalpakan ang implementasyon ng automa- tion law o isa lamang itong "pamumulitika" komo papalapit na ang eleksyon?

AUTOMATION LAW

CHAIR BEN ABALOS

CHIEF JUSTICE DAVIDE

COMELEC

IKE SE

JUSTICE TINGA

KORTE SUPREMA

MAKATI CITY INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY COUNCIL

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with