^

PSN Opinyon

Hindi maawat ang prostitution (Una sa 2 bahagi)

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
TULOY ang ligaya ng mga may kaugnayan sa negosyo ng pagbebenta ng panandaliang aliw. Alas singko ng hapon ay gising na ang mga ‘‘Anghel’’ at lalong dumadami sila sa pagkagat ng dilim sa maraming lugar partikular sa Quezon Ave. sa Quezon City. Ayon sa mga impormante ng BANTAY KAPWA, gaygayin ang Quezon Ave at makikita ang mga babaing prosti at sila ang nakikipag-negosasyon sa mga prospective customers. Mga call boy naman ang pumapasada sa Elliptical Road ng mga bakla at matrona ang mga suki na karamihan ay foreigners.

Ang mga prosti sa Quezon Ave ay panay ang kaway sa mga nakakotse. Kapag may huminto ay halos magkandarapa sila sa pag-uunahan sa kanilang bibigyan ng serbisyo.

Ayon sa isang prosti, na tawagin nating Lorie, trese anyos pa lang siya ay ‘‘pokpok’’ na siya. Seventeen na siya at malaking bulas. Asking price niya per customer ay P700 at puwedeng matawaran hanggang P500. Si Eileen naman ay sumisingil ng P1,500 sa magdamag na pakikipagtalik na mula sa alas-onse ng gabi hanggang alas-kuwatro ng umaga.

Si Krisha na tubong Davao ay isa sa pinakamabili. Flawless at materyales fuertes siya. Sinabi niya mayroon na siyang regular na suki. Ang matandang bugaw ni Krisha na ang tawag ay Mama Bella ay nagsabi na hindi lahat ng alaga niya ay patuloy na nagtatampisaw sa putikan. Ayon sa kanya meron sa kanilang nakapag-asawa at mga anak gaya ni Millet na nakapag-asawa ng Kano at dinala sa States. Twins ang anak ni Millet na nasa California.

Si Ana ay nadiskubre ng isang talent scout sa pelikula. Mga bold films ang nilalabasan niya. Minsan ay nag-location shooting sila sa Ilocos at nakilala niya ang isang businessman na labis na nahumaling sa kanya at siya ay pinakasalan. Apat na buwang buntis si Ana ngayon.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANGHEL

AYON

ELLIPTICAL ROAD

MAMA BELLA

QUEZON AVE

QUEZON CITY

SI ANA

SI EILEEN

SI KRISHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with