^

PSN Opinyon

Pagkopya sa libro ng iba

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SINA Ana, Pat at Len ang sumulat ng libro na may pamagat na College English For Today (CET) Book I at Book II at Workbook for College Freshman English, Series I. Ang mga librong ito ay nagawaran na ng copyright.

Nang kinailangan na nilang rebisahin ang mga ito, naghanap sila sa iba’t ibang bookstore na may katulad na paksa. At nakita nila rito ang isang libro na isinulat ni Rufina na may pamagat na Developing English Proficiency (DEP) Book I at Book II. Nang kanilang binuklat, napansin nila na ang nilalaman, larawan at mga halimbawa nito ay katulad ng nasa kanilang libro. Kaya sa paniniwalang kinuha at kinopya ni Rufina ang kanilang libro ng walang pahintulot, nagsampa sila ng kasong copyright infringement plus damages. Hiniling nila na itigil na ni Rufina ang paglabag na ito, bawiin ang mga libro nito sa merkado at pagkatapos ay kuwentahin ang mga kita nito simula pa nang ito ay ilathala at ipagbili sa publiko. Ayon pa kina Ana, ang maling representasyon ni Rufina na orihinal ang konsepto at nilalaman ng kanyang libro ay nakaapekto ng malaki sa kanilang kita.

Samantala, itinanggi ito ni Rufina. Bilang depensa, iginiit niyang (1) ang kanyang libro ay produkto ng sariling pananaliksik; at (2) ang pagkakatulad ay dahilan ng kanyang karapatan na kumuha ng gabay mula sa mga librong nalathala na, na siyang karaniwan sa lahat ng English grammar na manunulat at rekomendado ng Association of Colleges of Arts and Sciences. Tama ba si Rufina?

MALI.
Si Rufina ay lumabag sa law on infringement of copyright. Kinuha at kinopya niya ang mga halimbawa at konsepto sa libro nina na Ana, Pat at Len kung saan hindi niya ito binanggit at kinilala sa kanyang libro. Wala ring pahintulot ang kanyang paggamit ng mga ito na siyang nakapinsala sa karapatan nina Ana. Anumang pagkuha ng gawa ng iba ay isa nang paglabag.

Tama si Rufina na ginawa niyang gabay ang mga libro sa grammar subalit hindi tama na kopyahin niya ang halos lahat na nilalaman ng libro nina Ana. Hindi rin dahilan ang parehong edukasyon ng mga manunulat upang magkaroon ng pagkakatulad sa kanilang ilalathala. Sa kasong ito, naiwasan sana ni Rufina ang pinsala kina Ana, Pat at Len sa pamamagitan ng pagbanggit at pagkilala niya rito bilang may-ari ng mga halimbawa at konsepto na kanyang ginamit sa kanyang libro (Habaha et. al. vs. Robles et. al. G.R. No. 131522 July 19, 1999).

ASSOCIATION OF COLLEGES OF ARTS AND SCIENCES

BOOK I

COLLEGE ENGLISH FOR TODAY

COLLEGE FRESHMAN ENGLISH

DEVELOPING ENGLISH PROFICIENCY

LEN

LIBRO

RUFINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with