^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kung Pinoy si Panday dapat patunayan

-
MAINIT na mainit na isyu ang citizenship ni action king Fernando Poe Jr. Hindi raw siya Pilipino ayon sa mga nakuhang dokumento. Ang kanyang ama raw ay isang Spanish samantalang ang kanyang ina naman ay isang American. At ang matindi, hindi pa siya legitimate na anak sapagkat ang kanyang ama ay hindi kasal sa kanyang ina. Noong Martes, naglabasan sa maraming diyaryo ang paid advertisement ng umano’y pekeng birth certificate ni FPJ. Lalo nang naging bukambibig ang pangalan ni FPJ. Isang araw bago lumabas ang paid advertisement sumugod sa Commission on Elections (Comelec) ang mga supporters ni FPJ at sumisigaw na "Pinoy si Panday".

Sa bansang ito kung sino ang inaapi at binabatuk-batukan ang nakakukuha ng simpatya. Kung underdog tiyak na ang tagumpay. Napakadaling manalo lalo na kapag kandidato. Maski sa pelikula ni FPJ, underdog muna ang papel niya. Nagpapasuntok muna siya nang maraming beses hanggang sa magkadugu-dugo’t magkasugat-sugat ang katawan at mukha. Pero mababago ang senaryo kapag unti-unti nang bumabangon ang bida at rarapiduhin na ang kalaban nang walang patid na suntok. Panalo na.

Umabot na hanggang sa Senado ang isyu sa citizenship. Tatlong empleado ng National Archives ang tumestigo sa Senado kamakalawa at inaming tinulungan nilang mag-fabricate ng documents para mapalabas na si FPJ ay hindi natural-born Pilipino. Inutusan umano sila ni National Archives Director Ricardo Manapat. Itinanggi naman ni Manapat ang alegasyon ng tatlo.

Sa bansang ito ay naging kaugalian na ang pagbabatuhan ng mababantot na putik ng mga kandidato. Hahalukayin ang lahat nang maaaring mahalukay. Gagamit nang pera para sirain ang kalaban sa pulitika. Pera-pera lamang ang katapat para makagawa ng mga balitang hango sa malikot na imahinasyon. Hindi na bago ang pagwasak sa kalaban kapag panahon ng eleksiyon. At si FPJ ay hindi naiiba. Talagang dadaanan niya ang ganitong kalakaran. Iba kasi ang pelikula sa pulitika. Sa pelikula kita agad ng panalo kung magaling kang artista pero sa pulitika, mas maraming kontrabida.

Ang isyu sa citizenship ay nararapat nang maresolba upang magkaroon ng katiwasayan. Hindi maganda sa bansa ang nangyayaring ito. Maraming problema ang bansa na dapat pagtuunan ng pansin. Pero si FPJ na rin ang makareresolba sa isyung ito. Ipakita niya ang sariling katibayan o mga ebidensiya na makapagpapatunay na siya ay Pilipino. Lahat ng dokumento na authenticated at pirmado ng mga awtoridad ang kailangan niyang maipakita. Kapag nagawa niya ito, tiyak na mahihinto na ang pagbabatuhan ng putik.

FERNANDO POE JR. HINDI

FPJ

NANG

NATIONAL ARCHIVES

NATIONAL ARCHIVES DIRECTOR RICARDO MANAPAT

NOONG MARTES

PERO

PILIPINO

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with