Ibang klase ang pulitika!
January 8, 2004 | 12:00am
HINDI biro ang pulitika, walang kapa-kapatid dito, kaibigan, kumpare, kumare, magkamag-anak, mag-asawa, mag-syota basta ito ang inambisyon mong pasukan siguradong dadami ang iyong kagalit.
Marami kasing alam ang mga kuwago ng ORA MISMO na nagbangayan dahil lamang sa pulitika. May mga mag-asawang naghiwalay at ngayon ay magkalaban sa halalan. Magkapatid na nag-away dahil sa pulitika porke sila ang magkatunggali sa eleksyon. Mga mag-kumpare at kumare nagsolian ng kandila dahil sa pulitika. May kanya-kanya kasing prinsipyo sila sa buhay.
Ngayon sa pakiwari ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang malamig ang paligid nina Da King at Erap. Matabang kaya ang panlasa nila sa pagkain?
Iba-iba kasi ang paborito nilang mga putahe. Pero isa lang ang tiyak na gusto nila "ang may pinagsamahan". Ika nga, SMB ok ito.
Parang magkapatid ang dalawa, walang sinumang hari ang makapaghihiwalay sa kanilang samahan. Ang problema iba-iba kasing klase ng mga tao ang mga nakaikot sa kanilang paligid kaya ang hangin na nararamdaman ng dalawa sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO ay hindi maganda. Marami We Bulong Group sa paligid.
Sabi nga ni Erap, kahit hindi niya tulungan ang kanyang kaibigan ay mananalo ito sa eleksyon.
"Ano kaya ito?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Dahil sa pulitika ay magkakahiwalay yata ng landas ang mag-bestfriend?" anang kuwagong urot.
"Hindi naman siguro magkasundung-magkasundo ang dalawa," sabat ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.
"Maganda ito, parang pelikula ang dating."
"Ano ang magandang titulo kung ganoon?"
"Sa iyo ang Pinas, akin ang Capinpin."
"Pang-box-office ang dating niyan, ah!"
"Tumpak ka diyan, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest