"Hamon ng 2004"
January 2, 2004 | 12:00am
Halos lahat na yata ng mga taga media o kahit sinong tao ang nagsabi sa atin "MANIGONG BAGONG TAON NGAYONG 2004." Yan ang dasal nila para sa atin.
Iyan din ang hinahangad ko para sa bawat pilipino. Subalit, isang "wish ko lang" talaga para sa ating lahat, ang ating mga pinuno ay tigilin muna ang pagkakampanya at harapin ang mga problema ng ating bayan sa umpisa ng 2004.
Buo na ang casting. Ang Bise-Presidente na lamang ni FPJ ang inantay na hirangin. Malamang si Lovely Loren Legarda na ito.
Ngunit sa gitna ng kaguluhan ng mga tatakbo, mula Presidente hanggang sa konsehal, wala ng ginawa ang mga ito kundi mangampanya at mamulitika. Paano ang problema ng bayan. Ang naka-ambang price increse sa kuryente, sa presyo ng langis, LPG, pamasahe at iba pang basic commodities?
Ito ang gigimbal kay Juan ngayong pagpasok ng 2004.
Meron kwento akong nadinig na nais kong I-share sa inyo.
Isang mayamang Chinese ang nakahiga sa kanyang "death bed." Inaantay na lamang ang kanyang kamatayan. Nagtanong yung Chinaman, "Asawa ko andito? Andito ako," sagot ng asawa. Tumingin ang namamatay na Chinese. Nagtanong siya ng sunod sunod. "Anak ko panganay, andito?" Sumagot ang panganay na anak. "Anak kong babae, andito?" Hinaplos siya nung babaeng anak at sumagot sa ama. "Anak kong bunso, andito?" Sumagot yung anak na bunso na nasa paanan ng kama ng ama. Biglang napupo ang chine na namamatay at nagtaas ng boses, P-g I, %#@!*, SINO BANTAY TINDAHAN ATIN? Hindi ko po hinagad na pagtawanan ang mga Chinese.
Ang punto dito ay dapat tayong matututo sa kanila. Sa kanilang kasipagan, pagiging masinop, tapat sa trabaho kaya sila umuunlad. Kaya maginhawa ang kanilang buhay.
Kaya din ng Pinoy yan!
Yan din ang tanong ko ngayong January 2004? Habang abala ang lahat para sa election sa 2004, SINO BANTAY BAYAN NATIN?
Kung magiging praktikal at realistic tayo, si PGMA ay nahaharap sa mabigat na laban sa pagka-presidente. Maasikaso pa ba niya ang pagpapatakbo ng ating bayan. Ano kaya kung sa campaign period ay nagtalaga siya ng isang "care-taker" government habang nasa kampanya siya? Siya rin naman ang mag-supervise nito. Subalit, 24 hrs. ang atensyon na mabibigay ng care-taker head ng ating bayan.
Alam kong malayong mangyari ito mga kababayan ko. Pero ilan sa inyo ang may pangamba na dahil sa darating na election, mapapabayaan ang ating bayan hangang sa Hunyo. Anim na buwan yan. Dahil sa June 1 pa hihirangin ang Presidenteng iluluklok nating lahat. Kalahating taon yan.
Ang isa pang "wish ko lang" itong 2004, ang pagiging vigilant ng Anti Graft Board. Kahit saan bayan, kapag nakitang "Rome is Burning" kanya-kanya ng kurakot. Hindi malayong mangyari ito. Sa takot na baka mapalitan ang gobierno at hindi mahalal si PGMA, baka kanya-kanya ng pagnanakaw ang mga pinuno ng mga ahensya ng gobierno. Mga "midnight deals na pipirmahan at aaprubahan.
Papasanin na naman ni Juan yan. Utang na loob, maawa naman kayo sa bayan. Sa ating mga anak at sa kinabukasan nila.
Marami pa akong nais sabihin, subalit kauumpisa pa lamang ng bagong taon.
Sinisiguro ko lamang na tama ang ating taong darating. Para sa ating lahat naman ito. Matapos ang selebrasyon ng pagsalubong ng bagong taon, maging mulat na mamamayan tayo at huwag tayong pumayag na mas lalo tayong masadlak sa kahirapan.
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAG-TEXT SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest