^

PSN Opinyon

"Bakit iba ang opinyon nila kay Noli"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
BAGO ANG LAHAT, NAIS KO PONG PASALAMATAN ANG DALAWANG BABAE NA NAGPAPATIBAY NG AKING PANINIWALA NA MARAMI PA RING MGA HONEST SA MUNDONG ITO. KAMI PO NG AKING DALAWANG ANAK (disgrasyadong ama) SA ROCKWELL POWER PLANT PLAZA. SA DI SINASADYANG PAGKAKATAON, NAIWAN KO ANG AKING "CLUTCH BAG" NA NAGLALAMAN NG MARAMING MAHAHALAGANG BAGAY, ID’S, CHECKBOOK, PAPELES ATBP.

Inakala kong hindi ko na mababawi ang aking gamit, subalit dalawang anghel, (yes lovely angels) ang nakapulot nito. They went out of their way to get in touch with me, tinawagan ako sa telepono at nag-offer pa ngang ihatid yung aking bag sa aking bahay. Kalabisan na ito ang aking sabi kaya ipinakuha ko na lang sa bahay nila. Itong dalawang babaeng ito ay sina RICA CATO, Assumption Student at si Jona Gonowon, isang empleyada ng PLDT sa Parlance Call Center sa Jupiter St., cor Reposo.

Dapat bigyan ng parangal ito nila Mr, Manny Pangilinan, Butch Meily at si Paul Gueco dahil si Jona ay maipagmamalaki ng PLDT. Maraming salamat sa inyong dalawa.

NGAYON PARA SA ILAN LAMANG REAKSYON TUNGKOL KAY NOLI DE CASTRO.

"Ang akng mssbi po y tamang wag ng maghngad c Kabayan Noli De Castro sa BISE-PRES.. Sa amn mga KABITENYO d pa hinog kng baga sa mangga y hilaw na hilaw pa.. Tlgang yang pong mga LOPEZ sobrang masiba. Parang BUWAYA sa katihan.. ito po ang aming opinion. GOD BLS PO sa inyong mgandang kolum. — 09203954499 Barbers puedeng puede sa bise pro ang partner nya ayc bro. Eddie V. Huwag na kay Noli — 09167883668 Nagpipilit si Lacson tumakbo sa pagkapresidente kahit mahina sa survey dahi sa malaking contribution ng Chinese community. Kaya maligaya si Lito Banayo! — 09178217211 Ito ay personal kong opinion, bahala na kayong umisip kung tama o mali. Si De Castro noong unang hirit sa problema sa Marcoper ay masyadong maingay, pero pag lipas ilang lingo ito ay tumahimik at nag nagkalagayan daw, kung ito ay totoo wala siyang karapatang mag karoon ng mataas na puwesto sa GOBYERNO. — 09193685108 Tma ka tony, la magagawa c De Castro s ting bansa kng mnalong bise, alam lng nyan ppogi at bata yan ng lopez na nagpapahirap sa maralitang pinoy. — 09182299767 (Eddie boy ng bulacan) nong kasal si Julius babao at tintin bersola d2 smin sa antipolo kpwanag ninong yan ksama c lopez kya dpat wag kgtin ni FPJ c Loren na mging vice dhil pkwala ng meralco yan at kawawa tyo sa PPA na walnh pag asang bumaba tnks po mr. Calvento — 09169536164 Dpat LDP member na ang mging vice ni FPJ & not an outsider to appease the LDP members. HONASAN is the right & strong choice also to calm down Lacson — 09178217211 thanks sa column nyo ngayon about De Castro. Sna Barbers na lng kunin ni Pres. GMA — 09182534064 Noli De Castro…. WAG NA LNG… sumasangayon ako sa inyo sa kolum nyo ngayon umaga, wla naman tlgang ngawa ang mga tuta ng mga lopez, pag PPA na ang usap — 09182177429 Ito si ROGER tga Cavite hindi po ako pabur kay De Castro hindi ko ibubuto yan kay FPJ ako — 09196253661 Opo tma lng ang pagbatkos nyo ky De Castro, ipagpapa2loy nyo pra magicing ang mga boboto nting kababayan, lalo tlga taung pahihirapan dhil tuta yn ng mga Lopez, gd luck s nu gudam — 09196950312 Ayaw ko kay NOLI DE CASTRO. Ndi sya marunong magpatakbo ng isang bansa na naghihirap tulad ng pilipinas. — 09278653718 gud pm po. Tama kau n wlang kraptn c de castro. Eh nging senador nga upo lng gnawa s senado. Mgcncntrate n lng sya pgi2ng announcer ok p. d p sya mpintasan. — 09183464999 gusto ko c GMA pero c De Castro wag na lng 22o ang sinabi mo Tony bata ng mga Lopez yan kawawa lng pinoy pag nnlo yang De Castro na yan. — 09176000349 gud am sir! Mag-icp2 nman sna c d castro, wl p cia np2nyan s byn. Syang nga bo2 ko s knya. Bsta galing sa ch. 2 dko ibo2to. Bf 4 v.p. or barbers. — markado — 09197958871 Ka NOLI wag kanang tumakbo maawa ka sa aming mamamayan gagamitin ka lng ng LOPEZES para magkamal ng salapi paghingi sayo ng pabor siguradong hindi ka makakatanggi lalong tataas ang singil sa kuryente kaya parang awa mo na wag kang pagamit para lalo kaming maghirap pleasss…DENNIS of ANGONO - 09167805024 Ka Tony, kailanman dko iboboto si De Castro. Ano ang nagawa nya sa Senado para sa kapakanan ng bayan? Kung talagang makabayan sya dapat tumutol sya sa PPA at PAGTAAS ng singil ng koryente ngunit TAHIMIK sya. GISING na GISING na ang mga taga South Cotabato lalo d2 sa Tampakan. Hindi ako politiko F. Campi — 09192171470 Pilipinong inventor na nagpatulong sa kanya inipit pa imbes na 2lungan. Gusto pang pagka perahan nya! Pag nag bise p sya. Kidrock. — 09182212550"

MARAMI PA YAN PERO KULANG NA SA SPASYO. OPINYON NILA YAN HINDI SA AKIN. PARA SA ANUMANG COMMENTS O REAKSYON MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

vuukle comment

AKING

ASSUMPTION STUDENT

BUTCH MEILY

CASTRO

DE CASTRO

EDDIE V

LNG

YAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with