^

PSN Opinyon

Hungkag na Pasko

- Al G. Pedroche -
MARAMI sa mga tao ngayon ang di nakadarama sa diwa ng Pasko. Mahirap ang buhay. Magulo ang politika at ang panganib ay naglisaw sa ating lipunan. Sari-saring kalamidad ang nagaganap sa ating paligid.

Bawat tahanan ay nagagayakan ng mga di mabilang na kukutikutitap na ilaw. Maging ang mga bahay kalakal ay nagniningning din sa mga dekorasyong naglalayong patingkarin ang diwa ng Pasko. Ngunit ito’y isang paraan lang upang pagtakpan ang tunay na damdamin ng bawat isa sa atin. Dinaraya natin ang ating sarili. Pilit pinapapaniwalang tayo’y maligaya. Sa katunayan, pagod na tayo.

Nahahapo sa kawalang-kaunlaran ng bansa. Pata ang katawan sa mga posibleng panganib na nakaamba tuwing tayo’y lalabas ng tahanan. Kung mayroon mang masaya sa Pasko, ito ay ang mga paslit na lubhang mura pa ang isip upang maunawaan ang mga problemang nangyayari sa ating lipunan ngayon.

Bakit tila bawat taon ay nababawasan ang diwa ng Pasko? Pahirap nang pahirap ang buhay. Iisa lang ang dahilan. Diskarel ang ating pang-unawa sa kahulugan ng pagsilang ng Panginoong Hesus sa mundo.

Sa ating kinamulatan, ang Pasko ay panahon ng kasaganaan at pagtanggap ng materyal na biyaya. Sa katunayan, ang Pasko ay panahon ng pagbubunyi sa kabutihan ng Diyos sa sangkatauhan. Sa kabila ng ating kasamaan, inibig niya tayo at hangad niyang bawat isa sa atin ay maligtas at makapiling niya sa Paraiso pagdating ng araw.

Sa labis niyang pag-ibig sa ’tin, hindi niya ipinagkait ang pagpapakasakit ng bugtong na Anak na ipinako sa krus ng Kalbaryo, ibinubo ang banal na dugo para sa ating kaligtasan. Sa selebrasyon ng Pasko, ang sentro ng ating pag-iisip ay nakapako sa nakabalot na regalo, christmas tree, Santa Claus, bonus, 13th month pay. Nasaan si Jesu Cristo? Kung minsan, nagiging bulaklak na lang siya ng ating mga labi. Nasa nguso pero wala sa puso. Nasa bibig ngunit walang pag-ibig.

ANAK

ATING

BAKIT

BAWAT

DINARAYA

JESU CRISTO

PANGINOONG HESUS

PASKO

SANTA CLAUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with