^

PSN Opinyon

Balikbayan ngayong Pasko (Una sa 2 bahagi)

- Cielito Mahal Del Mundo -
THERE’S no place like home. Home, is where the heart is. Home sweet home. Mas madarama ito lalo na ngayong Kapaskuhan at para sa napakaraming overseas Filipino workers (OFWs) wala nang sasaya sa pagbabalikbayan nila ngayong Pasko. Malamig na ang simoy ng hangin kaya pati ang mga ibon ay lumilipad sa lugar na hindi malamig para kumanlong, magpahinga, mag-ulayaw at maglimlim. Tulad ng mga ibong ito ang mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo ay lumilipad pabalik sa lupang sinilangan para makasama ang mga mahal sa buhay ngayong Pasko.

Isa sa mga magbabalik bayan ay ang aming pinagpipitaganan at minamahal na kaibigang doktor na walang iba kundi si Dr. Antonio Talusan na ngayon ay nakabase sa Texas, USA. Taun-taon tuwing Christmas Season naging panata na ng pamilya ni Dr. Talusan na magkaroon ng Family reunion sa malaking bahay nila sa La Vista, Quezon City. Isang nephrologist o espesyalista sa bato si Dr. Talusan gayundin ang maybahay niyang si Dr. Celia Samson Talusan. Apat na babae ang kanilang mga anak at sila’y mga doktora. Ang panganay na si Eileen ay isang allergologist o espesyalista sa sakit na allergy at asthma. Sumunod kay Eileen, si Karen na isa namang pediatrician gastroentorologist at sumunod kay Karen ay si Janet at ang pinakabunso ay si Yvette. Sina Janet at Yvette ay tulad ng mga magulang nila na nephrologists. Mga doktora rin ang mga napangasawa ng apat ng mga anak na doktora ng mga Talusan. Bagama’t may kanya-kanya na silang pamilya ay hindi nila makalimutan to keep in touch lalo na kung Pasko. (Itutuloy)

vuukle comment

CHRISTMAS SEASON

DR. ANTONIO TALUSAN

DR. CELIA SAMSON TALUSAN

DR. TALUSAN

EILEEN

LA VISTA

PASKO

QUEZON CITY

SINA JANET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with