Ang bokasyon ni Juan
December 7, 2003 | 12:00am
ANG bokasyon ni Juan Bautista ay ihanda ang mga tao para sa pagdating ni Jesus. Ito ang sinasabi sa atin sa Ebanghelyo sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento (Lk. 3:1-6).
Ikalabinlimang taon noon ng paghahari ni Emperador Tiberio. Si Poncio Pilato ang gobernador sa Judea, si Herodes ang tetrarka sa Galilea at ang kapatid naman niyang si Felipe, sa lupain ng Iturea at Traconite. Si Lisanias ang tetrarka sa Abilinia. Sina Anas at Caifas naman ang mga pinakapunong saserdote noon. Nang panahong iyon, nasa ilang si Juan na anak ni Zacarias. Dumating sa kanya ang salita ng Diyos, kaya nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan at nangaral. "Pagsisihan ninyo at talikdan ang inyong mga kasalanan at pabautismo kayo upang kayoy patawarin ng Diyos," sabi niya. Sa gayoy natupad ang nasusulat sa aklat ni Propeta Isaias: "Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas! Tatambakan ang bawat lambak, at titibagin ang bawat burol at bundok. Tutuwirin ang daang liku-liko, at papatagin ang daang baku-bako. At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos."
Bawat isa rin sa atin ay may misyon katulad ni Juan Bautista. At tayo rin ay inihanda upang isakatuparan ang ating misyon. Bilang mga laiko kayo ay inihanda para sa inyong gampanin. Nabigyan din kayo ng mga katangian at handog.
Ang Papa ay nabigyan ng mga handog upang isakatuparan ang kanyang gawaing mamuno at pabanalin ang Simbahan. Ganoon din ang mga obispo, kaparian at mga relihiyoso.
Adbiyento ngayon. Naghahanda tayo para sa kapanganakan ni Jesus. Sanay tunay tayong maging handa sa Kanyang pagdating.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest