Bakit si Pacquiao pa ang inuna ni Atienza
November 28, 2003 | 12:00am
KITANG-KITA ang kasiyahan sa mukha ni Manila Mayor Lito Atienza habang inilibot niya noong Lunes sa buong Kamaynilaan ang bagong Pinoy boxing legend na si Manny Pacquiao. Pero habang masaya si Atienza, nalulungkot naman ang mga maliliit na vendors sa Divisoria, at mga residente ng squatters area sa Tondo at sa kahabaan ng riles sa Sampaloc dahil napabayaan ang kapakanan nila. Lalo silang napaismid at nalaway nang ianunsiyo ni Atienza na magbibigay ang Maynila ng isang condo unit na nagkakahalaga ng P650,000 sa adopted son nila. Kung bakit si Pacquiao pa raw ang inuna nitong si Atienza eh nanalo ito ng milyon sa US samantalang sila na lalong naghihikahos sa paghanap ng panggastos araw-araw ay hindi man lang napansin ang problema nila sa pabahay. Bakit si Pacquiao ba ay botante ng Maynila? Tanong nila, he-he-he! Hindi pala parehas kung tumingin si Atienza, di ba mga suki?
Hanggang sa ngayon hindi pa rin itinataas ni Mayor Atienza ang kanyang kamay na bakal para hagupitin sina Chairman Turing Sy at Franki Alejandro alyas Alejandrotong na nagpapahirap sa mga Pinoy vendors sa Divisoria. Tuloy ang ligaya ng dalawa, he-he-he! Talagang malakas kayo kay Atienza mga Sirs. Kung aarukin law daw ni Atienza ang problema ng mga vendors at buwagin ang mga sindikatong nasa likod nito tiyak bababa ang presyo ng mga gulay at iba pang bilihin sa Divisoria. Kaya mahal na minsan ang mga paninda sa Divisoria dahil bugbog na sa lagay ang mga vendors sa mga checkpoints ng pulisya at militar mula probinsiya at lalong nadagdagan pa ang danyos nila sa mga sindikato roon. Kaya dapat tirisin na ang sindikatong pinamumunuan nina chairman Sy at Alejandrotong para makahinga ng maluwag ang mga Pinoy vendors nga. Hala, kilos na Mayor Atienza.
Kung binabele-wala ni Atienza itong problemang dulot nina Chairman Sy at Alejandrotong, ganoon na rin ang iwas pansin niya sa inaanak niyang si Randy Sy, ang isa sa pinakamalaking video karera operators sa Maynila. Kinukunsinti ni Atienza ang inaanak niyang si Randy at hindi niya inaalintana na lalong dadami ang bilang ng mga drug addict sa lugar niya dahil sa video karera. At sobra talaga ang tapang ni Randy dahil pati tayo ay binantaan niyang isusunod sa dalawang kawawang nilalang na nabiktima niya, he-he-he! Abot-langit na ang natanggap nating pananakot, pero may inatrasan ba tayo mga suki?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest