^

PSN Opinyon

Ang paglilinis ng templo

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
PINALAYAS ni Jesus ang mga mangangalakal at mamamalit ng pera mula sa templo. Ang mga mangangalakal ay kinakailangan para sa pagbebenta ng mga hayop na ihahain sa templo. Kung kaya nandoon sila. Subalit may mali sa kanilang mga iginagawi. Pakinggan natin si Lukas sa kanyang pagsasalarawan ng pangyayari (Lk. 19:45-48).

Pumasok si Jesus sa templo at kanyang ipinagtabuyan ang mga nagtitinda. Sinabi niya sa mga ito, "Nasusulat: Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan !Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw."

Araw-araw, si Jesus ay nagtuturo sa loob ng templo. Pinagsikapan ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng mga pangunahin ng bayan na siya’y ipapapatay. Subalit wala silang makitang paraan upang maisagawa ito, sapagkat taimtim na nakikinig sa kanya ang buong bayan.

Si Jesus ay hindi sinaktan ng mga taong pinalayas niya sa templo. Sila’y mga mahihirap na nagnanais kumita kahit kaunti. Ang mga mamamalit ng pera ay kinakailangan sa templo, sapagkat iba’t ibang uri ng tao na nagmula sa iba’t ibang lugar ang pumupunta sa templo. Iba’t ibang salapi ang kanilang ginagamit. Kung kaya’t kailangang may mga mamamalit ng pera.

Ang pinuna sa kanila ng ating Panginoon ay: na ang templo – na isang bahay-dalanginan –ay ginawa nilang isang pugad ng mga magnanakaw. Sa loob mismo ng templo ay nagkakaroon ng dayaan, pang-uumit, at pagnanakaw. Sa ginawang paglilinis sa templo ni Jesus, nahamon yaong di-malilinis ang konsiyensiya. Sa gayon, nais ipapatay si Jesus ng mga punong saserdote at mga eskriba, subalit sila’y natatakot sa taumbayan. Ang mga ordinaryong tao ay nasa likuran ni Jesus.

Gayunpaman, papalapit na ang pasyon o paghihirap ni Jesus.

ARAW

GAYUNPAMAN

JESUS

LK

LUKAS

NASUSULAT

SI JESUS

SUBALIT

TEMPLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with