^

PSN Opinyon

Dagdag sa salaysay sa Kuratong massacre

SAPOL - Jarius Bondoc -
BILANG bagong testigo sa Kuratong Baleleng massacre case, inamin ni Capt. Abelardo Ramos na sa kanya inutos ni Sr. Supt. Francisco Zubia ang pagratrat. Matapos niyang ilantad ito nu’ng Mar. 24, 2001, naghabol siya ng isa pang affidavit nu’ng May 16, 2001, kasama ang aide na SPO-1 Wilmor Medes:

"Matapos ang pamamaslang sa pinaghihinalaang kasapi ng Kuratong sa Commonwealth Ave., Quezon City, kami ay naihabla sa kasong robbery dahil sa ibinulgar ni Mario Enad na kami ang tumangay ng ari-arian sa hideout sa Superville Subd., Parañaque.

"Kami at ang iba pang kasapi ng aming grupo ay tumanggap ng subpoena galing sa Ombudsman na sagutin ang habla. Pinulong kami ni Zubia, sinabihang huminahon at bibigyan niya kami ng libreng abogado.

"Makaraan ang ilang araw, pinapunta kami ni Zubia sa opisina ni Atty. Franch Chavez, at doon kami ay kinausap, kinuha lang ang aming pangalan at tirahan. Pagkalipas ng isang linggo, pinabalik kami ni Zubia kay Chavez upang lagdaan ang counter-affidavit na nagsasaad na hindi kami kasama sa operasyon sa Superville laban sa Kuratong.

"Habang binabasa namin ang nasabing counter-affidavit, nagsalita si Zubia na lagdaan na namin dahil wala naman itong problema, at kami ay mapapawalang-sala.

"Alam namin na labag sa batas ang pagsisinungaling; ngunit dahil sa utos sa amin ni Zubia na ito lamang ang tanging paraan upang takpan ang katotohanan sa mga pangyayari noong May 17-18, 1995, kami ay lumagda sa kanya-kanyang counter-affidavit sa harap ni Zubia."

Si Enad, na tinukoy nina Ramos at Medes sa bagong affidavit, ay isa sa limang orihinal na testigo sa multiple murder. Siya lang ang hindi nag-recant nu’ng 1999. Sa kanya ibinigay ng mga rumatrat ang damit ng 11 biktima –balato raw niya bilang civilian agent ng Traffic Management Group. Unti-unti nang lumilinaw kung pano pinagtakpan ang pagratrat para nakawin ang Kuratong loot na $2 milyon at P25 milyon.

vuukle comment

ABELARDO RAMOS

COMMONWEALTH AVE

FRANCH CHAVEZ

FRANCISCO ZUBIA

KAMI

KURATONG

KURATONG BALELENG

MARIO ENAD

MATAPOS

ZUBIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with