^

PSN Opinyon

Pagkain para sa utak

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
B is for brain. Maraming B vitamins ang kailangan para sa normal brain and nerve function. Ang Vitamin B1 (Thiamine) ay kailangan para magkaroon ng malusog na brain and nerve cells. Matatagpuan ang Vitamin B1 sa karne, tinapay, kanin, pasta at fortified cereals.

Ang Vitamin B5 o Panthothenic Acid ang nagpoporma na coenzyme na gamit sa transmission of nerve impulses at makukuha ito sa pagkain ng karne, itlog, isda, gatas, gulay at prutas. Ang Vitamin B6 (Pyridoxine) ay tumutulong sa conversion ng tryptophan into serotonin na isang blood chemical. Makukuha ito sa manok, isda, pork, liver, kidney, whole grain cereals, nuts and legumes.Tinutulungan ng Vitamin B12 (Cyanocobalamin) ang pagpapayabang ng red blood cells, ang paglaganap ng protina at ang pagmamantini ng nervous tissue. Matatagpuan ang bitaminang ito sa itlog, karne, isda, gatas at iba pang diary products. Ang iba pang ‘‘brain food’’ ay saging, orange juice, strawberry, dried beans and peas.

Sa epektibong nerve function ay nakatutulong nang malaki ang mga minerals na magnesium, potassium at calcium. Sagana sa magnesium ang mga green vegetables, whole grains, nuts and legumes. Masustansiya naman sa potassium ang avocado, saging, langka, oranges, prunes, potatoes, meat and fish at ang calcium naman ay taglay ng gatas at mga milk products gaya ng keso, yogurt, calcium-fortified foods and fish with edible bones.

Kailangan din ng utak ang maraming tubig kaya ipinapayo ang pag-inom ng walong basong tubig araw-araw at iwasan ang pag-inom ng kape at mga ‘‘colas.’’

ANG VITAMIN

KAILANGAN

MAKUKUHA

MARAMING B

MASUSTANSIYA

MATATAGPUAN

PANTHOTHENIC ACID

SAGANA

TINUTULUNGAN

VITAMIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with