^

PSN Opinyon

Saludo sa AFP

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NAPATAY daw sa engkuwentro sa military ang teroristang si Fathur Rhoman Al Ghozi. Isa sa mga miyembro ng Jemaah Islamiyah na responsible sa pagkamatay ng maraming tao. 

Sana totoo na at hindi kuryente bagama’t ang tanong natin ay  bakit ngayon lang?  Sana rin  hindi na pinatakas noon ng kapulisan?  Ang  nangyaring pagtakas ni Al Ghozi ay nagbigay ng matinding kahihiyan sa bansa.

Gaya ng mga miyembro ng kilabot na Kuratong Baleleng gang, di tayo magtatanong kung tunay bang sa engkwentro napatay si Al Ghozi, bagkus sasabihin natin sa miyembro ng AFP "CONGRATULATIONS, saludo kami  sa inyo."

Paano man napatay ang teroristang ito, iisa  ang katotohanan, pareho sila ng grupong Kuratong Baleleng na walang habas pumatay ng mga inosente at walang kalaban-labang mga mamamayan.

Kahit pa rubout ang ginawa nila, okay na rin kasi naman baka kung ikukulong patakasin lang uli ng mga pulpol sa PNP.  Tandaan n’yo sa AFP nandiyan pa ang grupo ni Ebdane, kasama na si CIDG chief Ed Matillano.

Mahirap hulihin nang buhay yang si Al Ghozi  baka mang-agaw ng baril sa Camp Crame at doon mamaril. 

Problema nga lang ng AFP ay baka kasuhan sila ng Human Rights Violation ng mga nagmamalinis, publicity hungry at namumulitiko  o  di kaya’y mga bayaran at hipokritong mga human rights lawyer.  Mas lalala pa ang problema n’yo pag nakialam ang Korte Suprema gaya ng Kuratong Baleleng meron silang karapatan pero ang biktima nila, WALA.

Sabagay medyo magtatagal pa yan, basta walang  papasok sa pulitika sa mga miyembro ngayon ng AFP, kasama riyan si Gen. Abaya at Lt. Gen. Rodolfo  Garcia.   Kung sakali namang papasok, huwag sasapi sa kalaban ni Madam Senyora Donya Gloria at ni Chief Justice at may hawak ng JDF na si Hilario Davide.  Higit sa lahat, huwag pamarisan si Sen. Ping Lacson sa pagsisiwalat ng anomalyang  gaya ng JOSE PIDAL.

Sabagay, matagal pa yon at pag abot ng panahong yon sana at malaking SANA wala na ang mga protector ng Kuratong Baleleng at pinagdurusahan na nila ang kanilang kasalanan. 

Lalo rin  namang huwag sana  mamulat ang ilang miyembro ng Korte Suprema kapag ka Pamilya at mahal sa buhay na nila ang mabiktima ng mga grupong kagaya ng Kuratong Baleleng at ni Al Ghozi.  Masyadong hinagpis yon gaya ng inabot ng pamilya ni Matel Aquino at ng iba pang biktima ng Kuratong Baleleng.

Isa lang ang agam-agam natin, timing! Bakit tyempo sa paparating na US President Bush  at expose‚ ng JOSE PIDAL scam.  Yun lang, pero okay na rin siguro, sana lang di kayo nagamit ng mga taga-maniobra ni MADAM Senyora Donya GLORIA.

Ganoon pa man okay na rin, ang mahalaga nabawasan ng kasamaan ang lipunan.  Kaya  muli, SALUDO kami sa AFP sa pamumuno ni Gen. Narciso Abaya.  CONGRATULATIONS SIR!
* * *
Bkit mas nagaala2 ang sc sa kurtong balleng bkit d nla ala2hanin ang mga pinaslang n biktima  ms my hustsy p pla ang mga krmnal ksa s mga nging biktima. –09168431496; Mag ingat k kbgan ns cidg kmi pg nkkta  kmi ng butas sau kasama k ni lacson s kulungan. –09206377328.

Nili2 n ang mga nagaaral ng abogasya s gnagwa ng mga hukom, mga kriminal tinu2lungan, mga biktima 4gotten na why? –09194244857; Dpat kc d na bksan kura2ng case n yn, kc mga kriminal mga yan, dpat ala na cla krptan mbhay, kc d nman cla good citizen eh, kundi ma3tay tao, kyo ng ta2nggol sa mga kura2ng na yan sna isa sa kapamilya nyo pntay para mamdaman nyo hpdi, skit dlot nla. –09185213780;

Dpat lng ptayin ang kr2ng pra mbwsn ang criminal kc kulungan sikip na. –09194805943; Dpat itali sa pugad ng pulang langgam at hayaang papakin ang mga taong bumubuhay sa kaso ng kuratong baleleng. –09187881366

Nagttka nga ako bkit kailangan ipagtangol p ang kuratong baleleng ay mga kriminal sila. –09182887384; Dpat s mga taong wlang hbas kung pumtay  2lad ng k baleleng wag ng bgyan ng due process guilty bitay agad ng dina pamarisan pa. –09204048840;

C mrs. Pidal ang maki2nabang sa KURATONG hndi ang mga kmag-anak ng mga  salot s lipunan. –09206086124; Pag napatay notoryus o marami na mabigat kaso pabayaan na lang wag na bigyan halaga ang taong masama para tumahimik bansa natin. –09183214435;

Dpat s mga kriminal ay di n binubuhay dahil kung kulong lng  tapos nktkas bk mkpatay n nmn. Kaya p bng ibalik ang  buhay ng mga biktima? Kgaya ni Matel. –09197667861;

Nkkramay po ako s biktima ng kb dhil ako ay nbiktima rin ng salot n yan tapos bu2hayin uli ang kso pakulo ni GMA tlaga  nman. –09196273148;

Cguro kung ang pamilya ng nkaupo s korte suprema ang nbktima ng KURATONG  BALELENG mgb2go ang desisyyn ng mga yn. Hlang ang kalu2wa ng mga taong yn. Sn nga. –09198406346; Bka ideklara ni GMA na bayani ang mga kuratong baleleng pag  nasira nila si Sen.  Lacson. –09194054085;

Tanung k lang kay justice DAVIDE kung anak o apo nya c MATEL anuu kaya ang mararamdaman nya n parang bayani p ang mga kuratong bale2ng na yan. –09186986880. KURATONG BALELENG salot  cl  sa lipunan.  Ang nagtatanggol sa KURATONG BALELENG wla n s ktinuan ang pagiisip. –09203070721;

Wlang human rights pra s mga kriminal. –09198497387; Bkit b msyado bnbgyan  n hustsya  pgkmtay n kuratong bale2ng n yan e mga krimnal nman yan an dpta ilantad ay ang JOSE PIDAL ACCOUNT. –09206448679; Bto ang puso at mktid ang utak ng kampon ng govt n mhlin ang bleleng. Sn kayo ang ns sitwasyon ni matel at ng ib n pinatay nla. –09272680001;

Pra s mga human rights lawyer magisip  kyo kung dpta  pb bigyang pansin mga kura2ng d nman mrunong bumalang krptan ng kapwa ky dpat baon n s limot kso. –09194172196.  Kaya bnuhay n nman  ang kuratong  case para pagtakpan ang jose pidal account. –09197539260.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

AL GHOZI

BALELENG

DPAT

KAYA

KURATONG

KURATONG BALELENG

LANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with