^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kung talagang good guy...

-
HINIHINTAY na lamang ang utos ng Korte para arestuhin si Sen. Panfilo Lacson kaugnay sa kontrobersiyal na Kuratong Baleleng murder case. Napunta sa sala ni Quezon City Regional Trial Court Branch 81 Judge Maria Theresa Yadao ang kaso ng Kuratong. Si Lacson at 33 iba pa ay sangkot sa pag-salvage sa 11 miyembro ng Kuratong noong May 11, 1995 sa Commonwealth, Quezon City. Apat na beses nang nabasura ang kaso subalit ngayon ay muling binuhay at parang multong tumatakot.

Mula nang sumabog ang balita sa pagbuhay sa Kuratong, hindi na nakita si Lacson. Hindi na siya dumalo sa session ng Senado. Umano’y nasa isang out-of-town engagement. Sabi naman ng kampo ni Lacson hindi ito nagtatago at nag-iingat lamang sa mga taong nagsu-surveillance sa kanya. Hindi na rin naisambulat ni Lacson ang kanyang Chapter 3 expose’ laban kay First Gentleman Mike Arroyo.

Sa isang mensahe ni Lacson na binasa ni House Assistant Minority Leader Gilbert Remulla, sinabi niyang siya ay isang good guy na sa simula pa lamang ay kalaban na ng mga masasama sa lipunan. Kalaban siya ng mga kidnappers, drug lords, bank robbers, kapwa pulis na nangongotong at mapang-abuso. Pinatino niya ang mga pulis, binawalang mag-golf at inatasang paliitin ang mga bundat na tiyan.

Ang mga achievements na iyon ay tila nalilimutan na raw ng mamamayan. Maikli na umano ang memorya sa mga ginawa niyang achievements noong siya ay hepe pa ng Philippine National Police. Ayon kay Lacson ay sinisira siya at pinakikilalang bad guy ng Administrasyong Arroyo. Maraming black propaganda laban sa kanya. Marami ang nakikisimpatya kay Lacson. May mga nagsabi na ang pagbuhay sa Kuratong ay bahagi ng pagsira sa kanya at ambisyon nitong maging presidente ng Pilipinas.

Matindi ang akusasyon kay Lacson na maaaring magdala sa kanya sa kulungan. Nagpasya na ang Mataas na Hukuman at walang magandang paraan na magagawa si Lacson kundi ang sumunod sa batas. Kung siya ay good guy at kalaban ng mga masasama, lumantad at harapin niya ang kaso.

Ang taumbayan ay matagal nang naghahangad na malaman kung ano ang tunay na pangyayari sa kontrobersiyal na kaso. Walong taon na ang kasong ito na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung sino ang nasa likod ng pagpatay. Kailangan nang maisilbi ang parusa sa mga nagkasala. Naghihintay din naman ng katarungan ang mga kamag-anak ng 11 napatay.

ADMINISTRASYONG ARROYO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HOUSE ASSISTANT MINORITY LEADER GILBERT REMULLA

JUDGE MARIA THERESA YADAO

KURATONG

KURATONG BALELENG

LACSON

PANFILO LACSON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with