^

PSN Opinyon

Tuluy-tuloy ?

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NAGDEKLARA na po si Madam Senyora Donya Gloria na tatakbo siya bilang Pangulo sa Mayo 2004. Taliwas ito sa deklarasyon niya noong Disyembre 30, 2002 na hindi na siya tatakbo at aayusin na lang niya ang suliranin ng bayan.

Ang kanyang deklarasyon ay ginawa sa Centennial Expo sa dating Clark Air Base sa Pampanga, isang proyektong nababalot din ng eskandalo ng pangungurakot.

Ang dahilang binigay ni Madam Senyora Donya Gloria at ng kanyang mga alipores ay para raw maging tuluy-tuloy ang mga reporma raw na naumpisahan.

Tanong tuloy ng isa nating kakuwentuhan lagi, ano bang reporma? Bakit wala tayong nararamdaman? Mukhang lalo lang tayong naghirap? So, ano ang tuluy-tuloy na gusto niya?

Biglang sabat ni Mang Tasio na nagtitinda ng taho, di tuluy-tuloy sa pag-upo sa Malacañang, di lang naka-PIDAL, nakasakay pa ng kabayo ng anak niyang Bise Gobernador Mikey Arroyo.

Singit naman ng isang driver na naghihintay sa kanyang amo: Tuluy-tuloy si JOSE Pidal!

Iiwan na sana dahil pati hindi kasali nakisali na, pero napatigil tayo kasi pati si Nana Naty pumasok sa usapan at ang sabi: "Tuluy-tuloy sa paghihirap, tuluy-tuloy sa  pagdurusa at tuluy-tuloy sa kagutuman."

Pasok  naman si Manong Ben, retiradong police, "Tuluy-tuloy ang nakawan, tuluy-tuloy ang pagtaas  ng krimen at tuluy-tuloy ang droga."

Ayaw namang patalo ni Aling Chayong na may-ari ng karinderya kaya sali rin sa usapan at patawa pang sinabi: "Tuluy-tuloy ang paghingi ng lagay at pagkain ng libre, dati pulis lang ngayon may MMDA, traffic aide at iba pa."

Sali na rin si Kempoy, isang batang nagtitinda ng sigarilyo upang makatulong sa pamilya nang masisante ang kanyang  ama, "tuluy-tuloy ang  pagtigil ko sa pag-aaral."

Entra naman si Kuya Raffy, isang retiradong  kawani ng gobyerno, "Tuluy-tuloy ang pag-utang, wala pa hanggang ngayon ang benepisyo naming galing sa GSIS, tuluy-tuloy ang pagka-baon sa pagkakautang."

"Tuluy-tuloy din ang pagbagsak ng kalidad ng edukasyon dahil tuluy-tuloy ang nakawan sa gobyerno," saad ni Ginang Reyes, isang domestic helper sa Hong Kong na dating guro at pansamantalang nagbabakasyon.

"Ang pagtaas ng krudo at boundary tuluy-tuloy din, ang pagliit ng kita tuluy-tuloy na rin at ang masakit, tuluy-tuloy pa rin ang kotong, tuluy-tuloy sa pagdami ang nanghihingi," singit naman ni Mang Diony, isang driver ng pampasaherong jeep.

"Presyo ng pagkain tuluy-tuloy din ang pagtaas," habol  ni Aling Tessie na galing sa palengke at ipinakita pa sa amin,  "tuluy-tuloy na kumokonti ang pinamimili ko."

"So paano, tuluy-tuloy na rin  ang pag-alis ni Tatay papuntang Saudi Arabia?" tanong ni Giannna, 14, na ilang araw ng malungkot dahil mapipilitang mag-OFW ang ama upang mabigyan sila ng mas magandang pamumuhay.

"Dadami naman ang Diosdado MacaPIDAL highway," pangantiyaw na pasok ni Mang Greg, isang engineer na aalis na rin para sumunod sa kanyang anak na nag-asawa ng isang Australyano.

Puro tuluy-tuloy na ang usapan, kaya ang  kaibigan kong  si Boy na mukhang gutom na ang pumasok bigla, tuluy-tuloy talaga ang kaligayahan nila sa Malacañang. Tuluy-tuloy ang pangungurakot, tuluy-tuloy ang kasinungalingan at kasamaan.

Kayo mga kaibigan, ano sa palagay n’yo ang tuluy-tuloy at papayagan n’yo ba  ang pagtuluy-tuloy? TULUY-TULOY nating pag-usapan. 
* * *
Dpat ibu2 ntin s 2004 ung mga ndi kurakot  para nman umacnso bnsa ntin. –09198593485; Pgma d p b sapat ang nnkurkot nyo kya gus2 nyo p 2makbo, hndi nyo mda2la sa  lngit lhat ng milyones  n ninakw  nyo, mtakot naman  kau sa itaas. –09202603311;

Tlaga ytng nilo2ko tau ni donya  pidal eh  ibinalik p  c reyes ayan my nangyari n nmng bombahan. –09228028662;  Cno  p  b ang may  hawak ng  pondo  ng 1999  dferential ng  AFP? Sus ginuo nawaldas n cgurado!  S impierno bagsak  nyo ksm n   taning! –09175404505;

Gma kng 2nay ang iyng aim na alicn ang  kurapt cmulan  m kay  jose pidal pbksan m ang  acct pra mlman ang  220 dii ba? –09272584058; C mahathir kpknan  ng bansa at ma3yan ang inuuna. C pgma kpknan ng pamilya at mga alipores nya ang protektado. –09272452670;

Gma wg kn 2makbo s 2004 kc ala k  nman  ngagawa sa bnsa isuko m n ung asaw m. –09102155753; Gnyan b kbb ang uri ng mga ngging lider ntin wlang 1  slita cnungaling at wlang pnindigan s  srili. –09162405716;

Mrrnsan ni Gloria n mllmpaso sa  eleksyon  s pgddklara nya ng knyang kndd2ra dhil wla ng pilipino n nni2wala s knya! –09162405716; Ang palakpak brigade lng ni gma ang  maingay sa pghayag nito ng  kandidatura. Ang  crowd ay halatang dismayado. –09185924468; Na22wa ako dhil  sa ka2nddato k uli apnted presgma para malaman  mo kong gaano ang  galit syo ng taumbayan. –09262288218;

Akoy isang batang profesyonal at kailangan mangibang bansa dhil  walang pag asa ang byan ni  juan dela cruz. Layas  n s  malacañang. –09195137144; Mdam gma la2ban ka rin pala nagpaarte rte ka pa. –09272595884.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

vuukle comment

ALING CHAYONG

ALING TESSIE

BISE GOBERNADOR MIKEY ARROYO

ISANG

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

RIN

TULOY

TULUY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with