^

PSN Opinyon

Palasyo,hindi parehas sa pagtrato sa kapulisan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KUNG noong nakaraang Magdalo mutiny ay walang pumatol sa hanay ng 115,000 pulisya, hindi na makakasiguro ang Palasyo sa susunod pang pag-aalsa kung meron man. Kasi mga suki, meron ngayong restiveness o demoralization sa hanay ng pulisya natin bunga na hindi parehas na pagtrato ng Palasyo at kapulisan nga. Si PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr at mga staff officers niya ay lahat tapos sa Philippine Military Academy (PMA) at sa tingin ng mga non-PMAers ay nabale-wala ang mga pinaghirapan nila lalo na sa pagtanggol sa gobyerno ni Presidente Arroyo laban sa mga gustong umagaw nito. Tingnan na lang ang May 1 uprising ng mga supporters ni dating Presidente Joseph Estrada, aba marami sa kapulisan natin na tumulo ang pawis at uhog sa pagdepensa ng Malacañang, eh na-promote ba sila? Kaya dapat magising na ang Palasyo, huwag panay pulitika ang nasa isip dahil marami silang nalilimutan na kung patuloy na babalewalain nila ay baka magulantang na lang sila isang araw, he-he-he! Baka lumipat na ang non-PMAers sa kampo nina Senators. Ping Lacson at Gringo Honasan, di lagot kayo!

Kung pakuya-kuyakoy na lang si Dir. Enrique ‘‘Ike’’ Galang, directorate for operations, habang hinihintay ang basbas ng Palasyo na maging PNP chief na siya, aba kumikilos na rin ang mga non-PMAers para maiparating kay GMA ang mga hinaing nila. Biro n’yo sa liderato lang pala ni Ebdane na walang nakaupong non-PMAers sa PNP command group at directorial staff. Para bang may ketong sila kaya’t pilit na inilalayo ng sa gayon ay hindi makapanghawa. Sa totoo lang, marami at malalaki rin ang mga accomplishments nila di tulad ng ibang PMAers diyan na pilit na sinisiksik ang mga sarili nila para lang makakolekta ng limpak-limpak na salapi sa jueteng at mamugad nga sa mga nightclubs, he-he-he! Mukhang kilala ko ang makapal ang apog na tinutukoy nila ah!

Hindi nalalayo na kapag hindi pinansin ni GMA ang mga hinaing ng mga non-PMAers, na tinatratong second-class citizens na ng PNP organization, hindi nalalayo na maging target sila ng recruitment ng Magdalo group nga. Kung pinapansin ni GMA ang mga hinaing ng grupo ni LtSg. Antonio Trillanes, eh dapat din sigurong pagkinggan niya ang hinaing ng mga non-PMAers kasi baka magulat na lang siya sa mga darating na araw na bumaligtad rin sila. Kung sabagay, wala pang hindi graduate ng PMA na napisil na mamuno ng PNP natin, di ba mga suki? At sa 12th taon ng PNP natin, ngayon lang nangyari na walang ni isa man sa kanila na non-PMAers sa command group at directorial staff nga, he-he-he! Weather-weather lang mga ’igan.

At sa ngayon, nakatutok ang mga non-PMAers sa napipintong rigodon sa PNP bunga sa pagretiro ni Dir. Victor Signey bilang hepe ng directorial staff. Alam naman ng mga non-PMAers na liliparin lang sa hangin ang mga pangarap nilang makapuwesto, dahil tiyak mga PMAers lang ang kinukunsidera ng Palasyo. Nagbabanta sila na kung kailangang mag-ingay sila para mapansin ni GMA eh gagawin nila pero sa maayos na pamamaraan at hindi tulad ng ginawa ng Magdalo group nga.

ANTONIO TRILLANES

GRINGO HONASAN

HERMOGENES EBDANE JR

LANG

MAGDALO

NON

PALASYO

PMAERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with