Mangila, umaksyon sa sindikato sa Subic
September 9, 2003 | 12:00am
HINDI naman lahat ng mga taga-PNP Traffic Management Group ay sangkot sa sindikato ni Ric Water, ang nagtutubig na leader ng mga pekadores diyan sa Subic Customshouse.
Ika nga, sa bawat gubat may ilang mga makamandag na ahas.
Isa-isang hinihimay ni TMG bossing Danny Mangila, ang ilan sa mga tauhan nitong sinasabing nakapasok sa grupo ni Rick Water ayaw niya kasing may ahas sa kanyang tanggapan dahil baka siya pa ang matuklaw.
Nagkalat kasi ang mga imported luxury vehicles sa Pinas na lumabas sa Subic at MICP ang ilan sa mga ito ay magic ang papeles dahil ang mga galising grupo ni Ric Water, ang nagtutubig-tubig na utak ng mga sindikato ang nagmamaniobra nito.
Sangkatutak pala ang kumpadre ni Ric Water, na pinagmamayagpag na makakatulong sa kanya oras na may humarang sa kanilang illegal operations tulad nina Argumento ng Subic Katigbak ng Makati at Go ng Pasig City at isang bugok na gobernador ng isang probinsiya na nakatirik sa ulo ng mapa ng Pinas.
Hindi biro ang kumpadre ni Ric Water.
Ika nga, ibabaon ka ng buhay.
Malaki ang nakulimbat nilang pera sa gobyerno dahl ibinulsa at tsinap-chop sa mga galising kontak nito ang pitsang tinira nila.
Hindi puwedeng banggain ang grupo ni Ric Water, nakatatakot kung hindi ka makuha sa santong dasalan alam mo na ang kasunod.
Ito ang dapat ipantapat kay Mangila, Prez Gloria Macapagal-Arroyo, Your Excellency.
Malapit si Ric Water sa dating administrasyon porke sila ang tumira ng mga mamahaling sasakyang ginamit ng mga hunghang noon.
Ang daming gagong nakasahod kay Ric Water tulad nina Paldo, ng Warrant Section ng Customs sa Subic; Kapreng Kiam Bow ng LTO sa Diliman; Sumpit ng LTO Herran; Sir Nan Des ng Customs Assessment sa Subic; isang Tess Bun ng PNP Vehicle clearance, at isang Chit Tabachoy ng LTO Central office.
Libu-libong pera ang ibinubulsa ng mga tarantadong ito na dapat sana ay sa gobyerno napupunta.
Sila ang umaalalay sa mga pekeng papeles ng mga talong financing. Ina-apply ng change ownership at change plate.
Mga galising pekadores na nakatirik sa Malolos, Bulacan, ang mga asong ginagamit ni Ric Water, tulad nina Jun Peklat, Loyd scarface at Mary Ann, ang maraming anan este nunal pala.
Sandamakmak ang mga kamoteng kontak nila sa LTO offices sa Tarlac, Olongapo, Herran at maging sa Central office.
Kayang-kaya nilang nakawin ang maraming records na gusto nilang magikin.
Nakukuha raw nila sa LTO ang file number ng mga sasakyan at kunwari ay ipase-xerox ang mga ito at hindi nila ibabalik kaya nahohokus-pokus nila.
Matindi ang operasyon ng tatlong galisin dahil malakas sila kay Kapreng Kiam Bow kaya labas-masok sila sa opisina nito sa LTO.
Malaki ang parte ni Kapreng Kiam Bow kapag may milagro silang gagawin.
Ika nga, nauuwi pa ang mga dokumento at doon sa bahay ng tatlong galisin minamaniobra.
Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, kayang kapain ni Mangila ang trabaho ng mga bugok.
Sana Sir, iparada mo sila sa kalye na parang natutulog.
"Kung ginagago ng grupo ni Ric Water ang gobyerno tiyak na gagaguhin din siya ni Mangila, anang kuwagong sepulturero.
"Madurog kaya ni Mangila ang operasyon ni Ric Water sa Subic Customshouse? tanong ng kuwagong Kotong cop.
Sigurado iyon lalot mura ngayon ang kabaong? Sagot ng kuwagong urot.
Kailan kaya matatapos ang paghihirap ng gobyerno sa kamay ni Ric Water?
Pag nakahilata na ito sa kalye? Sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Paano ang mga kumpadre nitong matataas na tao?
Ops, kulang tayo sa espasyo sa susunod papangalanan natin sila!
"Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended