^

PSN Opinyon

Iba si FG Jose Miguel Arroyo

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
HINDI lang pala mabait at matulungin ang First GENTLEMAN na si Señor Don JOSE Miguel Arroyo, malambing, maunawain, mapagmahal at maalalahanin pa siya.

Kita n’yo naman super siya mag-alaga, balita ko nga maraming nag-aapply na sekretarya at accountant sa kanya.

Iba kasi siya. Sobra ang pagiging thoughtful niya, madalas niyang isama ang kanyang sekretarya at accountant na si Victoria Toh kung saan-saang magagandang lugar, pati na sa Hong Kong at San Francisco at para pa maasikaso ng husto ay di niya sinama si Madam Señora Donya Gloria.

Sabi nga ni Udong, sinama pa si Ma’am Vicky sumakay sa chopper maggala lang sa Tagaytay, lamig doon hindi ba, lalo na siguro  sa  taas, pero knowing Boss  JOSE   Miguel Arroyo pinahiram yun ng jacket dahil baka ginawin. Malay mo baka niregaluhan pa.  Ganoon siya ka THOUGHTFUL.

Wala nga namang traffic at mabilis nandoon na. Saan kaya sila tumuloy, sa HIGHLANDS o sa CANYON WOODS?

Kita n’yo naman ang litrato na lumabas kahapon  sa Philippine STAR, kuha nina Ma’am Vicky sa BRP Ang Pangulo. Ganda-ganda raw nung Presidential yacht, kumpleto ang gamit sa loob noon at meron pa raw super gandang kuwarto at super lambot pa raw ang kama.  Ma’am Vicky kuwento naman.

Tapos super maalalahanin pa si Señor Don Jose Miguel Arroyo at maintindihin pa, pinayagan niya sina Vicky Toh, kapatid niyang si Thomas Toh  Jr. at pati na bayaw nilang si Kelvin Tan na address niya sa 118 Perea st.,  Makati ang gamiting address.  Di ba iba siya?

Maalalahanin din siya, pero palagay ko pati ang Madam Señora Donya Gloria, kita n’yo naman lahat ng magagawa ay ginawa para lang tulungan si Eugenio "Udong" Mahusay Jr. 

Para magkaroon ng family reunion pinasundo pa kay Housing Secretary Mike Defensor, di pa nakuntento nagpalipad pa ng dalawang PRESIDENTIAL helicopter para sunduin sila. Si Presidential Spokesman Ignacio Bunye nga pinasunod pa kahit na bumabagyo para lang asikasuhin ang mga MAHUSAY. MAHUSAY talaga kayo SIR AT MA’AM.

Pero kay Big BOSS Señor Don JOSE Miguel Arroyo pa  rin ako, kita n’yo naman ang kuwento ni Udong, pag nalulungkot at feeling lonely dahil out of town si Madam Señora Donya Gloria ay magpapabili ng red wine at yayayain na lang si Ma’am Vicky.

Di ba very sweet siya, kung ibang boss ‘yan o ibang Gabinete ni Madam Señora Donya Gloria ay sa Quezon Blvd.  tutuloy at makikipagkantahan sa madilim at malamig na lugar.  Siya sa office lang.

Pagdating naman ng Valentine’s Day pabibili pa siya ng Roses para ibigay kay Ma’am Vicky.  Very thoughtful talaga, romantic na romantic pa. Meron bang boss na ganoon ka LAMBING, ganoon ka MAHUSAY. Balita ko nga madalas pa magSULATAN ng memo nga  lang.  Ano bang iniisip n’yo?

Kaya apply na kayo, kahit temporary lang, wala pa naman si Ma’am Victoria Toh, nasa Vancouver, Canada pa. Mahirap naman kung di maaayos ang trabaho diyan sa office ni Señor Don Jose Miguel Arroyo.  Paano ang kanyang mga dapat tulungan? Paano ang kanyang tungkulin? Sino ang aayos noon habang wala si Ma’am Vicky?

Malay n’yo, sa bait ni Senor Don JOSE Miguel Arroyo gawin na kayong permanente, sama rin kayo sa Hong Kong, San Francisco at pagamit din ang office niya. Pakabait lang kayo, makakasakay din kayo sa Presidential Yacht, maggagala rin kayo sa helicopter sa Tagaytay at pag may reunion kayo, pasundo rin kayo ng dalawang PRESIDENTIAL CHOPPER.

Higit sa lahat pati kapatid n’yo papayagan na makigamit ng office at address. APPLY na kahit wala pang announcement, bilisan n’yo baka di makatanggi. Tandaan lang, 8th floor, LTA building, 118 Perea st., Makati City.

Huwag n’yo lang sama Lolo n’yo, kasi exclusive yon sa LOLO JOSE PIDAL niya lang. 
* * *
Muli tinatawagan ang GSIS, pati raw funeral benefits wala.  Mahirap mabuhay mahirap ding mamatay. Dapat na kayong magpaliwanag, baka magwala na rin ang ordinaryong empleyado ng gobyerno, baka magtake-over din ng hotel.

Kung walang pera manghiram muna kay JOSE PIDAL dahil ISANG BILYON daw pera niya sa banko, dami-dami.  Hindi pala milyon, BILYON!!!
* * *
Bakit nla sinundoo c mahusay kung hndi tlaga  tutuo  ang  gnawa  n  mike arroyo dpta pnabayaan lang nila. – 09207839447; MAHUSAY gumawa ng script ang administration ni Aroyo. –09196280305; FG kung di iikaw s JOSE PIDAL ilantad ny ang 2nay na JOSE PIDAL para dka paghinalaan o bka naman 1 multo lng c JOSE PIDAL. –09272542333;

JOSE PIDAL iisa kng henyo alam mo n 220 ang ibiinulgar ni udng  kya pinaakiidnap mo, cgurado bkas iba n ang stetment ni udng pro wla na mani2wala sa inu. –09163240327; D po pwede maging wife ng bayan, mistress pa pwede kasi d naman cya elected as pres. Naupo  lang cya dahil sa edsa 2. –09177463136; Puwede p b hngi n ng deborsyo kay Gloria macapidal. –09187338351;

Nanginginig na si  ate glo dahil kay pidal. –447796672017; Atty. JOSE PIDAL, hiirap na hirap na po kami puweede ba bala2 naman dyan. –09163610874; LORD kunin mo na cla (magnanakaw ng BAYAN!). –09202661528; Kung wlang umako ng act ni pdl ipa-raffle ang pera s ofw pr yung mnnlo ay guminhwa nmn ang buhay. –96653966841.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y mag-text sa  09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

vuukle comment

DONYA GLORIA

JOSE

LANG

MADAM SE

MIGUEL ARROYO

NAMAN

SIYA

VICKY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with