^

PSN Opinyon

Magaling si Jose Pidal

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
MAGALING talagang tao itong si JOSE PIDAL, masyadong low profile at walang kayabang-yabang, ni ayaw man lang makunan ng litrato.  Walang hilig sa publisidad.

Isipin n’yo  ang address niya 8th floor LTA Bldg. 118 Perea St., Legazpi Village, Makati, ang financial adviser niya si Ronald Gin ng dambuhalang Morgan Stanley, address at financial adviser din ni First Gentleman JOSE Miguel Arroyo.

Tiyak ko nga may dollar bank account ka rin, kasi kung wala di ka papansinin ng Morgan Stanley, balato naman diyan, pero dollar ha, ayaw ko ng pesos, wala nang halaga.

O di ba dapat sikat din siya. Pero mahiyain. Matulungin kaya? Masusubukan daw!

Pinatunayan niya naman at eto ang pruweba!

PINATAKAS ang teroristang si Fathur Al Ghozi na nagbigay ng matinding kahihiyan sa bansa lalo na sa liderato ng Philippine National Police at tuloy hinihingi ang pagsibak kay  PNP Chief Hermogenes Ebdane Jr.

Hindi nagtagal ay umalma ang ilang mga batang opisyal sa pamumuno ng grupo nila Lt. SG. Antonio Trillanes IV at pansamantala nilang inokupa ang Oakwood upang ilantad  ang pangungurakot ng mga pinuno ng Armed Forces of the Philippines. Hiningi na tanggalin si Defense Secretary Angelo Reyes.

Masyadong nadidiin ang dalawang opisyal e sila pa naman ang tunay na tagapagtanggol ni Madam Señora Donya Gloria, hindi maaari yon.  Kung handa si Ebdane at Reyes ganoon din si JOSE PIDAL.  Ngayon niya patutunayan na iba siya, ngayon niya ipakita na Mahal na Mahal niya ang PANGULONG Gloria.

Hindi naman magagalit ang First Gentleman dahil sabi nga ni Madam Señora Donya Gloria, kasal siya sa bayan, sa madaling salita ASAWA NG BAYAN.

Bugbog na ang dalawa, pasok na siya, kailangan na.  Dyandyararan! JOSE PIDAL to the rescue.  Ngayon ano ang say n’yo, naaalala pa ba si Al Ghozi, naaalala pa ba si Trillanes, wala na.  MABUHAY SI JOSE PIDAL, MABUHAY ANG BAGONG BAYANI, pero teka, teka, nasaan ba siya? Nawala uli, parang Superman biglang nawawala, kaso ngayon hindi na uubra ang pagka-low profile.

Kilala ka na ng buong bayan, lahat ng ginagawa mo lalabas na, kahapon nga may tumawag at sinabi na totoo palang mahilig ka sa sports, hindi pala bisikleta, KABAYO pala.

Sa mga pangarerang kabayo ay meron ka palang mga 60 na, pero dahil low key at low profile ka, pinangalan mo sa isang parang Pachingko yata ang tawag sa kanyang farm, parang sugal sa Japan ano? Galing mo talaga.  Huwag ka na mahiya, walang hiya.
* * *
GSIS wala pa ring processing ng loan o retirement benefits ang mga bagong nagretiro na kawani ng gobyerno, bakit naman, hindi na siguro computer ang dahilan.  Kawawa ang ordinaryong kawani ng gobyerno.
* * *
PDEA Chief Anselmo Avenido binabati ka namin sa mga sunud-sunod na huli n’yo at sana ay tuluy-tuloy na ito.  Isa lang ho ang napupuna namin, bakit ho lagi yatang nakakatakas ang mga gumagawa at dinaratnan n’yong abandonado na ang mga laboratory. Puwede ho ba, pag may nahuli kayong mastermind palamon n’yo ang shabu hanggang mabulunan at mamatay.  Sa ganoong paraan, wala pang gastos sa kulungan at sa judiciary, tipid pa ng malaki.
* * *
Dapat pagkurap patayin, dnt put them n jal wlang mangyayari dyan, NPA saan na kayo. –+13109516845; JOSE PIDAL a.k.a.  FG Arroyo wlang kduda duda. Wlang rccord s SSS, CENSUS, LTO, IMMIGRATION, BIR, SEC pro nka address s LTA MAKATI same address 2 FG ARROYO office. –09169952231; We r not fool 2 belev d findings of PNP Crime Lab. Regarding d signature of MIKE PIDAL ARROYYO ay cno ba BOSS NG MGA YAN? –09195541458; Para sa akin ang kaibahan lng nman ng pirma ay ung apelyido. –09162774386; Ptay mlsyya dyyan cc pgma dhil asawa nya ang sangkot. –09177514311;

Bgo po sn ntinn c FG sn tgnan muna ntin ang taong umaakusa s knya. –+85297173597; Kung mga taga dep ed kya magkudeta para mapansin nii gma angg paghihirap ng mga guro. –09193708100; Kung c jose velarde nnga hndi nplbas, wl n s pwes2 niyan c erap, c jose pidal p kyy nn c gma n nk-upo. – 09197958871; Davide, sin, cory at ramos bkt cla thmik! Ngayon nla pakita ang gud support nila, ngyon naicp n nila cguro ang knilang pg kkmli. –+85297105344;

So wats new? Naiiba lng mukha preho lng mnngu2rakot. Tsk tsk, only n WOW Pinas. –09208207235; Naniniwala ako na cc FG at JOSE PIDAL ay isang tao lang, sa pirma pa lang yyungg shape ng bilog ng J ay parehas sa tunay nyang pirma, HNDI PEKE. FG maawa kyo sa bayan. –09197054430.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y mag-text sa  09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

vuukle comment

CENTER

DONYA GLORIA

FIRST GENTLEMAN

JOSE

MADAM SE

MORGAN STANLEY

NGAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with