Nasakoteng shabu sa NAIA,ibinulsa
August 2, 2003 | 12:00am
NAGLUNDAGAN sa tuwa ang mga tauhan ng PNP-1st Police Center for Aviation Security sa NAIA sa pangunguna ni P/Supt. Efren Labiang, noong Hulyo 27, porke nakasakote sila ng 1 kilong shabu na nakalagay sa dalawang takong ng sapatos ng isang babaing domestic helper.
Pati si P/Sr. Supt. Andres Caro, bossing nila ay halos mahulog sa upuan ng mabalitaan ang pangyayari.
Tuwang-tuwa si General este mali Colonel lang pala.
Halos hindi makapagsalita si Felisa Panopio, 30, ng Batangas ng masilip sa x-ray machine ang kanyang dalang toga na may shabu.
Papunta kasi si Panopio sa Italy, para magbenta ng boshab este mali para dalhin pala ang shabu roon.
Kaso hindi nakalusot!
Buking, ika nga.
Isinalin sa pag-iingat ng PDEA si Panopio at ang sinasabing 1 kilong shabu na nahuli. DILG Secretary Joey Lina, Your Honor.
Hindi pa halos sumasayad sa flooring ng airport ang mga paa ng mga naglundagan pigoy ay naghihimutok na sila sa galit.
Kasi nabawasan ng mahigit sa kalahating kilong boshab ang huli nila.
Ito raw ang balita nila sa Crame?
Naku ha ibang klase pala ito anang kuwagong Kotong cop.
Imbestigasyon ang kailangan para malinawan ang anomalya kung mayroon man, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Nagwawala kasi ang mga taga-PCAS, may milagro raw nangyari, anang kuwagong urot.
Panibagong dagok sa mga bugok na naman ito,
Kapag nagkataon malaking gulo ito.
Tiyak ratratan.
PIGOY versus HOGS, he-he-he!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am