^

PSN Opinyon

Cebu BI, magalang, makatao at hindi bastos

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BILIB ang mga kuwago ng ORA MISMO sa nakitang paggalang at makataong trato sa mga foreign tourist na may transaksyon sa Bureau of Immigration sa Cebu.

Minatyagan ng mga kuwago ng ORA MISMO ang nasabing tanggapan at maraming Cebuano maging foreign nationals ang natanong natin tungkol sa kanilang istilo.

Kahanga-hanga ang feedback!

Mula Mactan International Airport hanggang sa opisina nila sa Mandaue City ay magagalang at makatao ang mga empleyado ni BI Commissioner Andrea Domingo.

Natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, kina Geronimo S. Rosas, bossing ng BI-Cebu; Ferdie Balbuena, Mike Fallon, Bodjie Cartajina, pawang mga BI intel officers at maging sa mga Immigration employees sa kanilang office sa Mandaue.

Hindi nagkamali ng pagpili ng tao si Domingo nang italaga niya si Rosas matapos itong bunutin sa Clark, Pampanga.

Si Rosas ay may 34 years nang empleyado ng BI, rose from the rank. Hind nadungisan ang pangalan kahit na maraming tukso.

Ika nga, hindi corrupt!

Napataas ni Rosas ang antas ng kanyang tanggapan kahit na mag-iisang taon pa lamang siya sa Cebu dahil lumaki ng 33.18 percent ang kanyang revenue collection fees kumpara noong isang taon.

Walang fixers kasi!

Hindi rin nakalusot sa grupo ni Roxas ang mga foreigners na may kaduda-dudang rekord tulad ng mga Japanese Yakuza, mga blacklisted aliens, etcetera, kasi mabilis niya itong pinadi-deport pabalik sa kanilang pinanggalingan.

Marami itong nalutas na mga kaso tulad ng mga foreign pedophiles, prosti at iba pa.

"Wala bang death threat si Rosas sa mga sindikato diyan sa Cebu?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.

"Naku, matindi. Ayaw niyang makipagkaibigan sa mga gago," sagot ng kuwagong Kotong cop.

"Iba ang turing ng mga foreign nationals sa Immigration sa Cebu porke makatao, magalang at hindi bastos ang grupo ni Rosas," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Masyado mo yatang bini-build-up ang BI-Cebu?"

"Basta nasa tama ang mga ito kakampihan natin."

"Eh, kung palpak?"

"Pasisibak natin kamote."

BODJIE CARTAJINA

BUREAU OF IMMIGRATION

CEBU

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

FERDIE BALBUENA

GERONIMO S

JAPANESE YAKUZA

MANDAUE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with