Mga 'nagpaparamdam' sa akin !
July 14, 2003 | 12:00am
NITONG Biyernes ng tanghali muntikan nang magkaroon ng sagupaan ang aming security group laban sa mga di kilalang grupo na paikot-ikot sa tapat ng aming BITAG headquarters.
Ang insidenteng ito ay opisyal na naka-blotter sa pinakamalapit na presinto ng pulis sa aming tanggapan.
Isang nakasakay sa motorsiklo (DT-125 green) at kotseng kulay silver na tinted, may plakang TAT-216 may sakay na tatlo sa loob.
Huminto ang mga ito sa tapat ng aming tanggapan at ilang beses itong nagpaikot-ikot. Nahalata ng aming security group ang komunikasyon ng naka-motor at ng mga nakasakay sa loob ng kotse, habang pinagmamasdan ng maigi ang tanggapan namin sa itaas ng gusali.
Mahigit na limang minutong nagpaikot-ikot ang mga ito habang patuloy ang kanilang tawagan sa cellphone. Napitikan ng aming surveillance camera sa itaas ng aming building ang kanilang mga kilos at galaw.
Nakipagtitigan ng malagkit ang lalaking naka-motorsiklo sa aming PSPO security back-up nung mga sandaling yun na nakapuwesto na sa ibaba ng gusali ng aming tanggapan sa Tandang Sora.
Sinubukan pa raw nitong makipaglaro at ng makita ng mga ito na nakapuwesto ang mga back-up at ready to engage, pasimple ang mga ito lumayo at sabay sibat agad.
SUNUD-SUNOD ang paglalantad ng kolum na to sa mga aktibidades ng mga bigtime organized syndicate.
Hindi pa kami natatapos sa aming pagtutok dito sa isang bigtime human smuggler na si ANALYN LOPEZ a.k.a EVELYN BANAL at SUZETTE FLORES, agad kami nakatanggap ng tawag sa isang supplier ng rent-a-car company na natulungan namin.
Abril pa lang nasa surveillance list na namin si Aminah Macusi, umanoy asawa ni Police Colonel Rolando Macusi. Si Aminah ang itinuturong umanoy utak ng sindikatong ito.
Naipalabas na namin ito sa BITAG noong Mayo 31, 2003 ang episode na may pamagat, Rent-A-Car Scam kung saan narekober ng NBI-NCR ang mahigit na 30 sasakyan.
Nagawang isanla ng mga sindikatong ito ang mga sasakyan na kanilang nirentahan sa mga casino financier at sa mga matataas na opisyal ng militar at police sa loob ng mga kampo.
Hiniling ni Aminah magpa-interview sa akin exclusive, nung Miyerkules ng madaling araw sa loob ng Camp Olivas, San Fernando Pampanga sa tanggapan ng Traffic Management Group (TMG).
Matapos ang interview napag-alaman namin na may koneksiyon ang sindikatong ito sa loob ng tanggapan ng LTO at TMG Pampanga at Tarlac.
Sa mga tanggapang ito, nagagawa ng sindikato ang pamemeke ng mga dokumentot papeles.
Napag-alaman din ng BITAG na mistah ni Gol. Macusi ang hepe ng TMG Region III sa Camp Olivas, San Fernando Pampanga na si Colonel Elmer Soria.
Ang malaking katanungan para sa amin, bakit kinakailangan pa ni Ami- nah ng advance party sa pamamagitan ng isang colonel na taga-DILG na mistah rin ni Col. Macusi? Napitikan siya ng aming camera.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended