EDITORYAL - Kung kilala ang drug traffickers ba't di dakpin
July 11, 2003 | 12:00am
Isang buwan na ang nakalilipas mula nang magdeklara ng pakikipag-giyera sa drug syndicates ang Arroyo administration. May nalalabi na lamang dalawang buwan. Sinabi ni Interior Sec. Jose Lina Jr. na tatlong buwan lang ang palugit sa mga drug traffickers at tapos ang problema sa droga. Kasabay nang pagbibigay ng palugit ni Lina, sinabi naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kilala na nila ang mga malalaking sindikato ng droga sa bansa na umaabot sa 146. Sinusubaybayan na nila ang mga ito. Makalipas ang isang buwan, marami nang pangyayari ang naganap at nagkaiba-iba na ang bilang ng mga drug syndicates sa bansa. Marami na ring nahuling drug pushers pero pawang mga "dilis" at walang "balyena". Nagkaroon na rin ng mga pagtatalo kung sino ang magiging drug czar at marami nang nai-appoint na personalidad na may kaugnayan sa pagsugpo sa drug problem.
Dalawang buwan na lang ang nalalabi at mahirap mapaniwalaan kung sa loob ng panahong iyan ay may mangyayaring maganda para sa tuluyang ikadudurog ng problema sa droga. Hindi biro ang problema sa droga na kahit ang mga pangkaraniwang trike driver ay gumagamit at nagiging halimaw. Sa mga liblib na barangay na hindi pa naaabot ng koryente ay nakakalat na ang shabu at ang mga krimen na tulad ng panggagahasa, pagpatay at pagnanakaw ay talamak na. Hindi lamang kabataan ang saklot ng shabu, pati mga propesyunal, artista, basketball players, pulis at mga miyembro ng media ay gumagamit nito.
Wala pang palatandaan na maigugupo ng administrasyon ang sindikato. Kamakalawa, sinabi ni Lina na sa lalong madaling panahon ay ilalathala na nila ang mga pangalan ng mga drug lords. Si Lina na chairman din ng Dangerous Drugs Board (DDB) ay nagpahayag na sa sandaling makumpleto na nila ang mga karagdagang impormasyon sa mga drug lords ay ihahayag sa publiko ang kanilang mga pangalan.
Maganda ang balak na ito ni Lina subalit mas maganda kung aaarestuhin na nila ang mga ito kaysa unahin ang pagsasapubliko ng kanilang mga pangalan. Kung ipupubliko baka makagawa pa ng paraan ang mga salot na makapuslit sa bansa. Gaano karami ang kanilang kakutsaba sa mga ahensiya ng pamahalaan at sa mga pulis. Kung kilala na nila at kumpleto ang ebidensiya, dakpin na at gilingin sa Korte. Bitayin para makapagbigay babala sa drug traffickers.
Dalawang buwan na lamang ang nalalabi sa taning na ibinigay ng pamahalaan at kung hindi magkakaroon ng dibdibang pagharap sa problemang ito, wala ring kahahantungan. Pawang pakitang-tao lamang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended