^

PSN Opinyon

Editoryal - 'Lifestyle check' wala ring kahahantungan

-
ANG pakikipaglaban sa mga corrupt sa pamahalaan ay wala ring kahahantungan. Ang Executive Order No. 12 na inisyu ni President Gloria Macapagal-Arroyo noong April 2001 na nagtatag sa Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) ay nagsmistulang "panakot-uwak" (scarecrow) lamang. Wala pala talagang silbi ang itinatag na commission sapagkat maraming butas. Maaaring maghain ng petisyon ang abogado ng sasampahang opisyal na naakusahan ng corruption at presto, maaari nang makahulagpos sa katiwalian ang kanyang kliyente. Sa madaling salita ang PAGC ay kinatha para panakot lamang at hindi para magdala ng kawatan sa kulungan. Patunay kung bakit sa kabila na may dalawang taon na ang nakalilipas ay wala pang napaparusahang opisyal ng gobyerno na nagpapayaman sa puwesto.

Hindi pala maaaring "iduplicate" ng PAGC ang awtoridad ng Ombudsman kung ang pag-uusapan ay ang pagkaso sa mga tiwaling opisyal. Hindi pala maaaring magsagawa ng imbestigasyon ang PAGC laban sa mga inaakusahang opisyal na sangkot sa katiwalian. Wala palang awtoridad. Isang malaking katanungan kung bakit naiisyu ni Mrs. Arroyo ang EO No. 12 na hindi narepaso ang magiging papel o kapangyarihan nito sa pagdakma sa mga kawatan ng pamahalaan.

Nakuwestiyon ang PAGC sa awtoridad nito makaraang umapela ang abogado ng isang BIR director na naakusahan ng "pandaraya" sa kanyang statement of assets and liabilities (SAL). Pinagpapaliwanag ni PAGC Dario Rama si Director II Antonio Montemayor kung bakit hindi nito isinama sa kanyang SAL and dalawang mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P3 milyon. Nagduda ang PAGC sapagkat ang suweldo lamang ni Montemayor ay P30,000 isang buwan. Ayon kay Rama, disproportionate ang salary ni Montemayor sa halaga ng dalawang sasakyan.

Pero ang pag-iimbestiga ng PAGC ay nawalan ng saysay sapagkat kinuwestiyon ang hurisdiksiyon nito. Wala palang ibang makapag-iimbestiga at makapagpa-file ng kaso sa mga tiwaling opisyal kundi ang Ombudsman lamang.

Walang nagawa ang PAGC. Ngayo’y lalong lumabo ang pag-asang makahuli ng mga "malalaking buwaya" na nagpapakabundat sa yaman. Ang PAGC ay walang ipinagkaiba sa "panakot-uwak" walang lakas, walang laban.

vuukle comment

ANG EXECUTIVE ORDER NO

ANTONIO MONTEMAYOR

DARIO RAMA

MONTEMAYOR

MRS. ARROYO

PAGC

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with