Guwardiya sibil sa mga kulungan dapat i-drug test din!
June 10, 2003 | 12:00am
NAGPAPASALAMAT ang mga kuwago ng ORA MISMO kay VW Johnson Lee, DDDGM ng Free and Accepted Mason of the Philippines sa Cebu City, sa ginanap na fellowship sa kanyang lugar sa Cebu Beach Club sa Mactan noong Linggo.
VW Johnson, Mabuhay ka and the Brethren of Maktan Lodge!
Ang topic: Bakit tumitindi raw ang operasyon ng illegal drugs sa loob mismo ng pambansang kulungan?
Kaya magtataka pa ba si Juan dela Cruz, sa mga pulis na positibo sa droga.
Kung sa Munti ay umuubra ang mga illegal transactions sa labas pa kaya ng kulungan hindi ito mangyayari.
Bukod sa PNP, dapat sigurong ipa-drug test ang mga guwardiya sibil sa mga kulungan partikular ang mga tumatao sa Munti at Correctional para naman malaman natin kung sinu-sino ang dupang sa kanila. DILG Sec. Joey Lina at DOJ Secretary Datumanong, Your Honors!
Siguro panahon na para masala sila at mabilad ang katotohanan na isa sila sa anay ng lipunan.
Kung magiging positibo sa droga ang mga guwardiya sibil sa mga kulungan partikular ang mga kamoteng taga-Munti at Correctional dapat bigyan sila ng mas mabigat na parusa.
Iba dapat ang parusa sa kanila kaysa ordinaryong mga kriminal!
Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO kung bakit may mga transaksyon ng illegal drugs sa loob ng kulungan.
Totoong matitindi ang mga nakakulong sa Munti at Correctional.
Nandito kasi ang mga well-known personalities at lahat yata ng klase ng lords ay makikita mo sa loob ng mga kulungan.
Mga sikat, ika nga!
"Ano kaya ang mabuting paraan na magagawa ng kinauukulan tungkol sa isyu ng droga sa mga kulungan?" tanong ng kuwagong hitad.
"Siguro dapat silang maghigpit," sabi ng kuwagong manananggol.
"Paanong higpit pa ang gagawin?" anang kuwagong Kotong cop.
"Palakasin nila ang kanilang intel network at magsagawa ng biglaang searching two times a week," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Sa palagay mo maayos ito?"
"Sa akin mas maganda, ipagbawal ang pagdadala ng mga cellular phones habang nasa vicinity ka ng kulungan."
"Kahit na si Tsip, guwardiya, etcetera ay bawal gumamit ng cell habang nasa loob."
"Karamihan kasi ng secret dealing ay thru cellphones kaya tuloy nakakapag-utos pa ang mga lords sa labas kahit nakakulong sila."
"Tumpak ka kamote!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest