^

PSN Opinyon

Malapit na ang election kaya talamak ang carnapping

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGULAT na lamang si Beni-jo Corcuera nang magising siya noong Abril 24 na wala na sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Bungad, San Francisco del Monte, Quezon City ang nakaparada niyang Honda Civic model ’99 na may plakang WGA 877. Nalumo si Corcuera. Isa lamang siya sa mga minalas na nilalang sa Metro Manila na nawawalan ng sasakyan araw-araw.

Pero naiiba ang kaso ni Corcuera. Papunta siya sa San Juan noong nakaraang Sabado para dalawin ang kanyang in-laws nang makita niyang palabas ng garahe ng isang condominium ang kanyang kulay passion orange na kotse. May taglay ng plakang DWY 219 sa likuran ng kotse pero sinisiguro ni Corcuera na sa kanya ang kotse dahil sa may tama ito sa kaliwang bahagi ng likuran. Nabangga kasi ni Corcuera ilang buwan na ang nakaraan at ang yupi ng kotse niya ay hindi pa niya naipagagawa.

Dahil sa natuklasan, sinamahan ng isang kaibigan si Corcuera kay Sen. Supt. Cipriano Querol Jr., hepe ng Detective and Special Operations Division (DSOD) ng CIDG sa Camp Crame, para tulungan siyang maangking muli ang nawalang kotse. At hindi siya nagkamali ng malapitan. Matapos matantiya na ayos lahat ang papeles ng kotse ni Corcuera, bumuo ng isang team si Querol para arestuhin ang may hawak ng kotse. Nagkaroon ng joint operation ang DSOD at ang Task Force Limbas ng Traffic Management Group (TMG) at naaresto nila si Nelson Gemoto, isang by-and-sell of used cars financier. Pasakay si Gemoto sa kotse ni Corcuera ng dakmain ng pulisya noong Lunes sa 664 Sgt. Bumatay St., sa Barangay Plainview Mandaluyong City.

Sa imbestigasyon ni Querol, natuklasan na ang naturang kotse ay ibinenta ng isang alyas Eddie kay Gemoto sa murang halagang P100,000. Walang maipakitang original receipt (OR) o certificate of registration (CR) si Gemoto dahil ayon kay Eddie sangla rin sa kanya ang kotse. Si Eddie ay nakilala ni Gemoto sa casino sa Parañaque City isang buwan ang nakaraan. Nag-abutan sila ng ktose sa United Nations Ave., Maynila noong Mayo 30.

Maaring naibaba na ng liderato ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr., ang bilang ng na-karnap na sasakyan sa Kamaynilaan ng nagdaang mga buwan. Pero sa tingin ng marami tataas na naman ang bilang ng carnapping dahil sa nalalapit na eleksiyon. ’Ika nga nagpa-fund raising na naman ang ilang tiwali nating pulitiko at ang maghihirap ay ang sambayanan na kararampot na lang ang kinikita dahil sa mababang ekonomiya ng bansa. Itong mga tiwaling pulitikoang dapat habulin ni Ebdane at ibulgar sa sambayanan para hadlangan ang pangarap nilang panlilinlang sa bayan, di ba mga suki?

Para kay Querol naman, hindi dapat matapos ang kanyang pagsilbi sa bayan sa kaso ni Corcuera. Marami pa sa ating kababayan ang nagdadalamhati bunga sa biktima sila ng kriminalidad kaya’t dapat buksan niya ang pintuan ng kanyang opisina para tulungan sila. Naiiba kasi si Querol. Iba siya sa mga opisyales ng CIDG natin na walang pakialam sa tumataas na kriminalidad na nangyayari sa kapaligiran nila.

BARANGAY BUNGAD

BARANGAY PLAINVIEW MANDALUYONG CITY

BUMATAY ST.

CAMP CRAME

CIPRIANO QUEROL JR.

CORCUERA

DETECTIVE AND SPECIAL OPERATIONS DIVISION

GEMOTO

KOTSE

QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with