^

PSN Opinyon

Paano mag-housing loan sa Pag-IBIG

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay Pag-IBIG member at mahigit dalawang taon nang nagbabayad ng kontribusyon. Nagbabalak na akong magpakasal sa susunod na taon. Bilang paghahanda sa aking kinabukasan at sa aking mabubuong pamilya, nais ko sanang kumuha ng hulugang bahay at lupa. Sa kasalukuyan, nangungupahan ako sa Makati, malapit sa kompanyang aking pinapasukan.

Ano ba ang mga hakbang sa pagkuha ng housing loan? Anu-ano ang kailangang dokumento. Saang opisina ako dapat makipag-ugnayan? – Charlie D.


Ang unang hakbang sa pag-aapply ng housing loan ay ang pagdalo sa isang Loan Counselling session sa Pag-IBIG Makati Office Housing Loan Originations Office, 7th Floor. Ang session ay tumatagal ng isang oras at idinadaos mula Lunes hanggang Biyernes mula alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Ang Pag-IBIG Makati Office ay matatagpuan sa Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City. Ang loan counselling ay idinadaos din sa Pag-IBIG Ortigas Branch na matatagpuan sa 611 Westar Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Sa loan counselling session ipaliliwanag ang proseso ng housing loan, dito rin maaaring magtanong ng mga detalye sa housing loan gaya ng porsiyento ng interes, kung gaano katagal maaaring bayaran ang housing loan at iba pang katanungan. Maipapaliwanag din dito ang kaukulang responsibilidad ng borrower, kung kailan at saan puwedeng magbayad. Pagkatapos ng loan counselling, kailangang sagutan ang Preliminary Housing Loan Counselling Questionnaire, kumpletuhin ang Housing Loan Application at Membership Status Verification Slip. Kung ikaw ay kuwalipikadong mangutang, bibigyan ka ng listahan ng mga dokumento at papel na kailangang ibigay sa Pag-IBIG Housing Loan Originations Group, na magpoproseso ng iyong housing loan application.

Para sa karagdagang detalye maaari kayong tumawag sa Housing Loan Originations sa tel. nos. 848-8228 at 811-41-74.

ATRIUM BLDG

CHARLIE D

DEAR SEC

HOUSING

HOUSING LOAN APPLICATION

HOUSING LOAN ORIGINATIONS

HOUSING LOAN ORIGINATIONS GROUP

LOAN

LOAN COUNSELLING

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with