Mga abusadong Customs police sa Cebu City
June 5, 2003 | 12:00am
HAWAK ng mga kuwago ng ORA MISMO ang sulat ni Amelia Tenorio, spokesperson ng various Farmers Group from Bulacan, address to Prez Gloria Macapagal-Arroyo at BOC Commissioner Antonio M. Bernardo, dahil inireklamo nila ang tatlong Customs police na nanggigipit daw sa kanila sa Cebu City.
Dated May 20, 2003, ang letter of complaint.
Copy furnished sina BOC Deputy Commissioner Ray Allas, ESS Director Virgilio Danao at Customs Police chief Joey Yuchongco.
Ganito ang takbo ng kuwento. Noong May 16, 2003, may apat na truck ang inarkila ng nasabing grupo para isakay ang kanilang bigas sa berthing area ng Pier 3, Port of Cebu City nang harangin ng tatlong holdaper este mali mga Customs police pala.
Nagulat ang sakay ng mga trucks nang bumulaga sa harapan nila ang isa sa tatlong naka-suot ng pulang-t-shirt at naka-brief , este mali, short pants pala.
Bumaba raw ang mga bandido, este mali, mga Customs police pala, sa isang L-300 van na may plate number 7CAE 708.
Nagkaroon ng kulitan dahil ayaw pumayag ng mga driver ng truck na ipakita ang kanilang dokumento sa karga nilang bigas habang hindi nagpapakilala ang tatlo.
Palaisipan ang tatlong musketeers sa mga laborer ng trucks dahil not in uniform sila ng gulatin nila ang mga ito.
Si Sgt. Rey Lascota, Customs Police, pala ang nagpakilala sa mga drivers at pahinante ng trucks kaya lang asiwa pa rin sila dahil senglot ang una.
Dahil hindi sila nagkaunawaan puro counterfeit papers daw ang ibinigay ng mga drivers kay Lascota.
Sa buwisit ng mga drivers nagpunta ito sa Precint 701 A ng Maritime Police at nagharap ng reklamo laban kay Rey at sa kanyang dalawang kasama na nakilalang sina Capt. Hernando Boy Anonas at Bong Gines.
Ganito ba talaga mambraso ang Customs police? tanong ng kuwagong pulis na naglalanggas ng kanyang sariling galis.
Hindi noh! sagot ng kuwagong Kotong cop.
Bakit naka-civilian attire sila kung manita? tanong ng kuwagong haliparot.
Para hindi sila makilala?
Kaya nga hindi dapat.
Isa dapat sa tatlo ang naka-uniporme.
Iyan ang SOP.
Ano kaya ang dapat gawin sa kanila? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Siguro mas maganda kung sa Ombudsman dadalhin ang reklamo.
Bakit sa BOC ayaw mo ba?
Baka ma-whitewash ang kaso?
Commissioner Bernardo, ano sa palagay mo?
Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest