Palsipikadong tseke
June 5, 2003 | 12:00am
DUMATING si Mr. Ching sa Maynila noong Enero 25, 1979 hawak ang tourist visa na epektibo lamang ng pitong araw. Sa pamamalagi niya sa Manila, nakilala niya si Mr. Santos kung saan pumasok silang dalawa sa isang negosyo ng color scanning. Ipinakilala ni Mr. Santos si Mr. Ching sa kanyang accountant na si Leo. Si Leo ang naatasan na magpalit ng tourist visa ni Mr. Ching na maging isang special non-immigrant visa, kung saan kakailanganin nito ang kapital na $100,000 para siya maging foreign investor. Kaya, inutusan ni Mr. Ching ang bangko ng Taipei na mag-remit ng $100,000 patungo sa bangko sa Manila. Isinalin ang nasabing halaga sa katumbas na piso sa pamamagitan ng cashiers check. Pagkatapos ay kinuha ito ni Leo sa utos ni Mr. Ching. Noong Pebrero 1, 1979, ang huling araw ng kanyang visa, isinumite ni Mr. Ching ang nasabing check sa Bureau of Immigration bilang patunay na isa na siyang foreign investor ng bansa.
Sa araw ding iyon, inutusan ni Mr. Ching si Leo na magbukas ng account sa ibang sangay ng banko at ideposito rito ang cashiers check na may halagang P729,752.20. Pagkaraan lang ng ilang oras, nailabas na ang halagang P728,390 sa pamamagitan ng limang tseke na may petsa mula Pebrero hanggang Oktubre 1979. Pagkatapos nito, wala nang nangyaring transaksiyon.
Makalipas ang anim na taon, natuklasan ni Mr. Ching na P1,362.10 na lamang ang kanyang pera sa nasabing banko. Iginiit niya sa banko na wala siyang kinalaman sa pagbubukas ng account at sa pagkuha ng pera sa pamamagitan ng limang tseke. Palsipikado raw ang pirma niya sa mga tseke. Kaya, kinasuhan niya ang banko upang mabawi ang $100,000 o ang katumbas nito sa piso sa kasalukuyang palitan sa merkado. Mababawi pa kaya ni Mr. Ching ang pera?
Hindi na. Ang pirma ni Mr. Ching sa mga tseke ay pangunahing ebidensiya na siya mismo ang nag-isyu nito. At dahil itinatanggi niya ang authenticity ng pirma, siya ang may tungkuling patunayan na palsipikado ito. Ipinapalagay ng batas na ang tao ay may pag-iingat sa kanyang mga aksyon. Kaya, sinumang magsabi taliwas dito ay nararapat na magbigay ng malinaw at kapani-paniwalang ebidensiya ng kapabayaan. Sa kasong ito, hindi nagawang patunayan ni Mr. Ching na palsipikado ang kanyang pirma sa mga nasabing tseke. (Ching Yia Min vs. Court of Appeals et. al. G.R. March 28, 2001.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended