^

PSN Opinyon

Hindi maliligaw sa patutunguhan

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA Ebanghelyo sa araw na ito, tinukoy ni Jesus ang ating patunguhan o destinasyon. At ito’y hindi isang lugar dito sa lupa. Ang tinutukoy niya’y ang ating lugar sa langit (Jn.14:1-12).

"‘Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin.

Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayon, sinasabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.’ Sinabi sa kanya ni Tomas, ‘Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano namin malalaman ang daan?’ Sumagot si Jesus, ‘Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung ako’y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita.’

"Sinabi sa kanya ni Felipe, ‘Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama, at masisiyahan kami.’ Sumagot si Jesus, ‘Matagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyata’t hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: "Ipakita mo sa amin ang Ama"?

Hindi ka ba naniniwalang ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: Ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasaakin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo: Ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama.’"


Ang ating destinasyon ay hindi saanman dito sa lupa. Lahat tayo ay nakatakda para sa langit. Sinasabi sa atin ni Jesus na huwag tayong mabalisa. Dapat tayong magtiwala sa kanya. Sasamahan niya tayo at ligtas na dadalhin sa tahanan ng Ama. Dapat nating naising umuwi sa ating tahanan.

Ang ating pagtungo sa ating tahanan ay magaganap sa pamamagitan ng ating pagkamatay. Ang kamatayan ay talaga ngang masakit at tayo ay nababahala. Ngunit sinasabi sa atin ni Jesus na huwag tayong mag-alala. Nais ni Jesus na tayo’y magtiwala.

Kapag kayo’y napapawalay sa mga kamag-anak o mga kaibigan, inaasam-asam ninyo na muli silang makapiling. Kapag tayo’y namatay, inaasam nating makatagpo sina Jesus at Maria at lahat ng mga kaanak at kaibigan na nauna na sa atin.

AKO

AMA

ANG AMANG

ATING

DAPAT

FELIPE

JESUS

KAPAG

KAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with