^

PSN Opinyon

Bakit itinatago ng PIATCO ang libro nito?

- Al G. Pedroche -
ANO ang inililihim ng Philippine International Airport Transport Co. (PIATCO) at ayaw ilantad sa Commission on Audit ang book of account nito?

May concession fee na P300 milyon na dapat bayaran ang PIATCO sa pamahalaan noong nakaraang taon sa operasyon ng Terminal 3 sa NAIA. Pero hindi na umano ito masingil porke P2 milyon na lang ang natitira sa pera.

Iyan ang laman ng statement ng PIATCO sa pamahalaan bago pa ibasura ng Supreme Court ang PIATCO contract. Matapos suriin ng COA, lumilitaw na malaking bahagi ng halaga ang nalustay na ng PIATCO at ang natira’y dalawang milyon na lang. Ito ay dahil sa malaking nagastos umano ng PIATCO na ipinapasa bilang lehitimong gastusin sa proyekto kaugnay ng pagtatayo ng Terminal 3. Ano ang rason?

Isinasaad kasi sa ibinasurang kontrata na iri-reimburse ng pamahalaan sa PIATCO ang lahat ng legitimate expenses sa pagtatayo ng proyekto. Gayundin, magbabayad ng taunang P300 milyong concession fee ang PIATCO sa pamahalaan sa operasyon ng terminal.

Suriin natin ang ilan sa mga ginastos ng PIATCO at kayo ang humusga kung ang mga ito’y maituturing na lehitimo na dapat ibalik ng pamahalaan sa naturang kompanya: P402,550 sa golf tournament’ P50,989 sa entertainment expenses sa Punta Baluarte at P13,500 na halaga ng simpleng regalo kay dating DOTC Sec. Vicente Rivera na siyang namagitan sa approval ng Amended Reinstated Concession Agreement ng PIATCO. Gumastos din umano nang katakut-takot ang ilang opisyal ng PIATCO sa kanilang pagpunta sa Germany para kumbinsihin ang Fraport na maging technical partner.

May iba pang gastusing hindi nakadetalye sa impormasyong natanggap ko pero tama ba na ito’y ibawas sa itinatadhana ng kontrata na concession fee para sa pamahalaan? Para patunayan ng COA ang discrepancy na ito, hinihingi nito ang libro ng PIATCO pero patuloy daw itong tumatanggi. Bakit?

Ang P300 milyon ay maliit na halaga marahil pero ang nakapaloob na anomalya rito, gaya nang ating nabanggit ay dambuhala na dapat siyasatin lalo pa’t ito’y panggogoyo sa ating pamahalaan.

AMENDED REINSTATED CONCESSION AGREEMENT

ANO

BAKIT

FRAPORT

PAMAHALAAN

PHILIPPINE INTERNATIONAL AIRPORT TRANSPORT CO

PIATCO

PUNTA BALUARTE

SUPREME COURT

VICENTE RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with