^

PSN Opinyon

Puwede bang makautang ng pang-tuition sa Pag-IBIG?

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay empleyado sa pribadong kompanya at may tatlong anak na nag-aaral. Malapit na naman ang pasukan at kapos ako sa aking pondo sa pagbayad ng kanilang tuition fees. Ang pagkakaalam ko ay maari akong makahiram sa Pag-IBIG ng pangmatrikula. Maari ba ninyo akong tulungan sa aking pangangailangan sa pamamagitan ng impormasyon tungkol dito? – Manuel ng Pasig City


Sa pamamagitan ng Multi-Purpose Loan Program ng Pag-IBIG, maaaring makahiram ang isang miyembrong nakapaghulog na ng 24 monthly contributions sa Pag-IBIG at kasalukuyang aktibong naghuhulog ng kanyang buwanang kontribusyon.

Ang Multi-Purpose Loan benefit ay nagbibigay ng financial assistance sa ating mga miyembro na makahiram sa ating ahensiya sa mga sumusunod na mga pangangailangan: Edukasyunal, medikal, pagbili ng appliance o kagamitan sa bahay, pagtatayo ng negosyo at iba pang importanteng pangangailangan.

Ang halaga ng maaring mahiram ay batay sa halaga ng 60 porsiyento ng Total Accumulated Value (TAV) ng inyong kontribusyon. Ang interes nito ay nagkakahalaga ng 10.75 porsiyento bawat taon. Babayaran ito sa loob ng dalawang taon.

ANG MULTI-PURPOSE LOAN

BABAYARAN

DEAR SEC

EDUKASYUNAL

MAARI

MIKE DEFENSOR

MULTI-PURPOSE LOAN PROGRAM

PAG

PASIG CITY

TOTAL ACCUMULATED VALUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with