EDITORYAL Bantayan ang mga 'buwitreng' traders
April 29, 2003 | 12:00am
NAGSISIMULA nang maglipana ang "buwitreng" traders. Nagsasamantala sila sa gitna na may problema ang bansa tungkol sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS). Ngayong in demand ang paggamit ng surgical mask, naglutangan ang mga traders na nagbebenta nang napaka-mahal na surgical masks. Sinasamantala ang pagpapanik ng taumbayan sa SARS para mabenta ang kanilang produkto. Iglap lang malaki na ang kanilang kita. Tiba-tiba sa pera habang nananalakay ang misteryosong sakit.
Nang mamatay ang unang Pinay victim sa Hong Kong na si Adela Dalingay noong Marso, nagsimula nang gumamit ng mask ang mga Pinoy at kasunod niyon ay ang paglaganap na ng pagsuot nito para maprotektahan ang sarili sa misteryosong sakit. Dati ay P47 lamang ang bawat piraso ng mask subalit ngayon ayon sa mga report, nagkakahalaga na ito ng P400. Sa kabila ng ganitong kamahal na presyo, kinakagat pa rin ng taumbayang nagpapanik.
Lalo pang naging in demand ang mask nang ang isang barangay sa Alcala, Pangasinan ay puwersahang i-quarantine ng Department of Health pagkaraang mamatay ang nursing assistant na si Adela Catalon. Namatay si Catalon noong April 14 makaraang manggaling sa Canada. Nahawahan ni Catalon ang kanyang ama, na namatay na rin noong nakaraang linggo. May 800 ka-barangay ni Catalon ang isinailalim sa pagsusuri at mahigpit na ginuwardiyahan ng mga pulis para hindi makalabas sa barangay. Nakadagdag sa pagpapanik at pagdagsa para bumili ng mask ang umanoy pagkamatay ng isang OFW sa Leyte.
Mabenta ang mga surgical masks at ito ang sinasamantala ng mga "buwitreng" traders. Nararapat kumilos ang Department of Trade and Industry upang mapigilan ang mga "buwitre" sa kanilang pagsasamantala. Usisain ang mga drugstore na karaniwang nagbebenta ng mga surgical mask at iba pang SARS paraphernalia nang ubod mahal. Bukod sa mga masks, imbestigahan din ang kumakalat na report na may mga drugstores na mataas na rin kung magbenta ng vitamins. Sinasamantala ang pagkakataon para bilhin ang kanilang produkto subalit ang naghihirap naman ay ang taumbayan.
Nararapat pa rin namang paigtingin ng DOH ang kanilang pagpapaalala sa publiko na huwag magpanic sapagkat ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan para makaiwas sa sakit. Magpakalat pa ng mga babasahin at polyeto ang DOH para ganap na maituro sa taumbayan ang gagawin para maiwasan ang misteryosong sakit.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest