^

PSN Opinyon

"Dugo ang inalay sa paa ng altar" (Konklusyon)

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
SA pagtatapos ng ating pagtatampok ng madugong pagkapatay kay Mayor Clarence Benwaren ng tineg, Abra sa Cordillera, maraming tanong ang bumabagabag sa isipan ng mga kapatid at asawa ng batang Mayor na ito. Una na, hindi sila naniniwala na ang NEW PEOPLE’S ARMY ang may kagagawan nito. Ang inyong lingkod ay nanawagan din na kung ang NPA ang pumatay ka Mayor Benwaren, bukas po ang ating pitak upang ilathala ang inyong "official statement." Kung ang pagbabasehan ang mga pangyayari na bumabalot sa pagkakapatay kay Mayor Benwaren, hindi ganun ang style ng mga miembro ng New People’s Army. Unang-una,

na-establish na ang identity ng gunman. Kung NPA ang papatay sa isang Mayor sa loob ng simbahan parang wala pa yata akong nakadinig na ginawa ito ng NPA, sa isang sagradong lugar. Hindi plinano ng gunman ang kanyang "escape route" pagkatapos na maisagawa ang kanyang misyon. Hindi style ng NPA yan. Nakuha sa wallet ng gunman ang isang papel kung saan nakalista ang mga "expenses" at ang mga nagasta ng grupo. Batay sa imbistigasyon ng Calauan PNP, tatlong araw na nag-aantay ang grupo na kasama ang gunman sa Calauan. "Matagal ng kasing nagkalat ng imbitasyon ang ikakasal kaya alam na dadalo si Clarence," bigkas ni Henry.

Napag-alaman din ng PNP na umupa ng isang van ang grupo ng gunman sa Calauan. ayon sa driver, Apat na lalake at isang babae ang mga sumakay sa kanya. Ni hindi alam ng drayner na nagkagulo na sa loob ng simbahan at nandun pa rin siya sa labas at nag-aantay sa grupong umupa sa kanya. Batay na rin sa description ng drayber, nagsagawa ng mga carthographic sketches at ito ngayon ang pinagbabasehan ng mga authoridad para masakote ang kasama ng gunman na napatay din pagkatapos pataying si Clarence Benwaren. Meron dinampot na isang suspect na kamukha ng isa sa mga cathographic sketches. Nagbigay daw ito ng "oral admission" nagsangkot ng ilang politico, tapos nung kukunan na ng sinumpaang Salaysay, binawi lahat ang kanyang sinabi siya ngayon ay nakakulong sa Abra jail dahil sa ibang kaso kung saan siya may warrant of arrest.

Ang kaso ngayon ng pagkakapatay kay Mayor Clarence Benwaren ay hawak ng brupo ng NBI-NCR sa pamumuno ni Regional Director Atty. Edmundo Arugay. Inilapit po natin ito sa tanggapan ni Undersecretary of Justice, Jose calida at agad naman umaksyon itong "soft-spoken, mild-mannered man" subalit talaga naman isang action man. si Usec Calida ay hindi nag-aksaya ng panahon at iniutos sa NBI sa bigyan ang kasong ito ang URGENT INVESTIGATION! Double time ang mga tao ng NBI-NCR para mabigyan kalutasan ang nangyari kay Mayor Clarence. Maganda rin naming banggitin na si Secretary Jose D.. Lina ay gumawa ng aksyon at ngayon ay pinaiimbistigahan ang mga sulat na pinadala nila Henry at ang asawa ni Clarence na si Soledad. Naiintindihan ng pamilya ng pinaslang na si Clarence na hindi madali ang kanilang kalbaryo sa pagkamit ng katarungan sa pagkapatay sa kanilang kapatid. si Clarence para sa kanila ay gumagabay sa kanila at nagbibigay ng lakas ng loob na malutas ang assassination nito.

"Alam naming na inilalagay naman ang aming buhay sa panganib sa mga hakbang na ginagawa naming, subalit kung kami ay magpapatakot, hindi na malulutas ang pagkakpatay kay Clarence,’ mahinahong sinabi sa atin nila Henry, Lenin at Tony.

"I am now asking the Provincial Prosecutor of Laguna na I-amend ang mga John’s at Jane Does sa kasong nai-file sa Murder of Mayor Benwaren into the real names of the suspects as soon as the witnesses pisitveky identify them through pictures and carthographic sketches," paliwanag ni Usec Jose Calida, Jr.

Ang kaso ng pagpatay ay hamon na naman sa pamunuan ng National Bureau of Investigation, walang iba kundi kay RD Edmond Arugay. Maswerte si RD Arugay ay karamihan sa mga high profile cases sa kanya ina-assign. swerte kaya yun, o dagdag hirap para sa NBI-NCR dahil mahirap lutasin. "I look at it as a challenge. I am grayeful to Director Wycoco sa pagtitiwala niya sa amin dito sa NCR at lalo na sa akin bilang isang Regional director ng bureau," ayon kay RD Arugay.

Mga kaibigan, mambabasa ng CALVENTO FILES, marami ang nag-tetext kung paano susulatan ang inyong abang lingkod. Nais ko pong ibigay ang address po natin, CALVENTO FILES C/O Philippine Daily Star Publications, Railroad St., corner Roberto Oca, Jr., St., Port Area, Manila. Maari din kayong mag-text sa 09179904918 o tumawag sa 7788442.

vuukle comment

ABRA

CALAUAN

CLARENCE

ISANG

MAYOR

MAYOR BENWAREN

MAYOR CLARENCE BENWAREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with