^

PSN Opinyon

Ador Mawanay lagariin ang baba

- Al G. Pedroche -
SABI ko na nga ba’t kadudadudang testigo itong si Ador "Babalu" Mawanay. Sa hilatsa pa lang ng mukha’y talagang di mapagkakatiwalaan. Siya ang testigong nagpasabog ng "bombshell" na si Sen. Ping Lacson ay kunektado sa mga syndicated crimes gaya ng kidnapping at droga at may multi-milyong dolyar na bank account sa Amerika.

Ngayo’y iniuurong na naman ng lekat ang kanyang naunang akusasyon kay Lacson. Sabi’y ginamit lang daw siya ni First Gentlemen Mike Arroyo para i-demolish ang pagkatao ni Lacson. Paano mo pa paniniwalaan ang taong ( tao nga ba?) ito? Naging kontrobersyal at sumikat pa ang walanghiya. Ang gusto ko lang sa character na ito, kahit dispalinghado ang Inggles, he delivers with confidence and semblance of authority. Yung mali, napalilitaw niyang tama. Kaya madaling makapanloko ang hinayupak.

Mantakin mong napabalita na pati mga opisyal ng gobyerno ay binentahan ng cellphone pero walang naideliver na commodity matapos siyang bayaran. Heto na naman siya ngayon at si Mike Arroyo ang gustong idiin. Sinong maniniwala sa iyo Mr. Mababa?

Sa mga kabulastugan mong iyan, lalo mo lamang pinabababa ang iyong pagkatao (ka nga ba?). Maitanong ko, magkamag-anak ba kayo ni Philip Medel?

Kung sino mang politiko ang gumagamit kay Mawanay, mag-isip-isip kayo. Humanap naman ng ibang may kredibilidad. O baka reversed psychology ang diskarte ninyo? Ah, ewan!

Dapat siguro ay may mag-introduce ng bill sa Kongreso na magpapataw ng parusa sa mga pabagu-bagong testimonya. Na kapag napatunayang nagbago ng deklarasyon ang testigo sa krimen kahit hindi tinakot o pinuwersa, dapat itong managot sa batas.

Sa kaso ni Mawanay, tingin ko’y gusto kong lagariin ang mahaba niyang baba eh. Lagyan lang ng hawakan ay puedeng beer mug.

AMERIKA

BABALU

DAPAT

FIRST GENTLEMEN MIKE ARROYO

LACSON

MAWANAY

MIKE ARROYO

MR. MABABA

PHILIP MEDEL

PING LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with