Nasa gitna KAMI ng madugong bakbakan ng mga pulis at NPA!
April 4, 2003 | 12:00am
BUKAMBIBIG na ng mga higanteng network ang salitang "EKSKLUSIBO" sa kanilang News and Public Affairs Department. Isa ito sa kanilang mga estilo para makatawag agad ng pansin sa mga manonood.
Nagpapatalbugan ang mga magkakatunggaling higanteng network kayat nagiging "malikhain" ang mga ito sa kanilang terminolohiya at estilo ng pagkalap ng mga balita.
Hindi kami news team sa BITAG! Hindi tulad ng news team, hindi kuntento ang BITAG sa mga papitik-pitik lang ng aming video at presto, istorya na.
Tatak na ng BITAG investigative team ang ipakitat ipadama ang mga pangyayarit kaganapan sa mga manonood, tulad ng naganap na madugong engkuwentro noong Marso 29, sa pagitan ng mga pulis at NPA sa Pandi, Bulacan.
Saksihan, sa loob mismo ng armored personnel carrier o V-150, eksklusibo, sa BITAG lamang, ang maaksiyong "clearing" at rescue operation ng mga pulis ng Regional Mobile Group (RMG).
Nag-iisa lang ang BITAG. Walang nakasamang mediaman, partikular sa telebisyon, sa gitna ng mainit na bakbakan sa ginawang "second assault" ng mga pulis, pasado alas tres y media ng hapon.
Mapapanood ninyo kung papaano niraratrat ng mga NPA snipers ang nasabing sasakyan upang huwag makuha yung mga sugatang pulis na tinamaan sa "battle ground". Tatlo ang mga na-rescue na sugatan. Isa sa kanila ay hindi na umabot sa ospital. Dead on arrival.
Panoorin bukas, sa ABC-5, 5:00-5:30 ng hapon, sa BITAG, ang buong detalye ng madugong bakbakan, putukan, at kaguluhan na nagkataon naman na ika-34 anibersaryo ng mga "pogi", katawagan ng mga militar at pulis sa NPA.
Sa BITAG, alam namin ang tamang paggamit ng salitang "EKSKLUSIBO". Ito yung mga "actual footages" na hindi kayang "kunan" ng mga TV cameraman dahil hindi nila makakayang itaya ang kanilang sarili sa gitna ng panganib.
Bibigyan ko ng diin ang aking sinasabi noon pa man. Sa amin sa BITAG, its not just a profession, its a way of life. And thats the bottom line!
UPDATE: Nakatanggap na kami ng kasagutan ni Romel Gamad hinggil sa "paratang" ni Redanny Monserate at ng mga kasamahan nito sa mga nawalang piyesa na binabayaran ngayon ng pobreng si Redanny.
Matatandaan, lumabas sa kolum na ito ang aming serye na may pamagat na "Saklolong Hinihingi ng Isang OFW mula sa Saudi".
Si Redanny ay hindi pa puwedeng umuwi kahit tapos na ang kanyang kontrata dahil pinagbabayad siya ng kanyang Arabong amo sa mga nawalang piyesa na nagkakahalaga ng 6,000 Riyals o humigit kumulang P100,000.
Pinabulaanan ni Rommel Gamad ang bintang ni Redanny at ng kanyang mga kasamahan laban sa kanya. Nakahanda raw siyang humarap sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO, para sa ikaliliwanag ng paratang laban sa kanya.
Abangan!
Para sa mga tips, reklamot sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 9325310/9328919. Magbasa ng diyaryong PM (Pang-Masa) tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.
E-mail us: [email protected]
Nagpapatalbugan ang mga magkakatunggaling higanteng network kayat nagiging "malikhain" ang mga ito sa kanilang terminolohiya at estilo ng pagkalap ng mga balita.
Hindi kami news team sa BITAG! Hindi tulad ng news team, hindi kuntento ang BITAG sa mga papitik-pitik lang ng aming video at presto, istorya na.
Tatak na ng BITAG investigative team ang ipakitat ipadama ang mga pangyayarit kaganapan sa mga manonood, tulad ng naganap na madugong engkuwentro noong Marso 29, sa pagitan ng mga pulis at NPA sa Pandi, Bulacan.
Saksihan, sa loob mismo ng armored personnel carrier o V-150, eksklusibo, sa BITAG lamang, ang maaksiyong "clearing" at rescue operation ng mga pulis ng Regional Mobile Group (RMG).
Nag-iisa lang ang BITAG. Walang nakasamang mediaman, partikular sa telebisyon, sa gitna ng mainit na bakbakan sa ginawang "second assault" ng mga pulis, pasado alas tres y media ng hapon.
Mapapanood ninyo kung papaano niraratrat ng mga NPA snipers ang nasabing sasakyan upang huwag makuha yung mga sugatang pulis na tinamaan sa "battle ground". Tatlo ang mga na-rescue na sugatan. Isa sa kanila ay hindi na umabot sa ospital. Dead on arrival.
Panoorin bukas, sa ABC-5, 5:00-5:30 ng hapon, sa BITAG, ang buong detalye ng madugong bakbakan, putukan, at kaguluhan na nagkataon naman na ika-34 anibersaryo ng mga "pogi", katawagan ng mga militar at pulis sa NPA.
Sa BITAG, alam namin ang tamang paggamit ng salitang "EKSKLUSIBO". Ito yung mga "actual footages" na hindi kayang "kunan" ng mga TV cameraman dahil hindi nila makakayang itaya ang kanilang sarili sa gitna ng panganib.
Bibigyan ko ng diin ang aking sinasabi noon pa man. Sa amin sa BITAG, its not just a profession, its a way of life. And thats the bottom line!
Matatandaan, lumabas sa kolum na ito ang aming serye na may pamagat na "Saklolong Hinihingi ng Isang OFW mula sa Saudi".
Si Redanny ay hindi pa puwedeng umuwi kahit tapos na ang kanyang kontrata dahil pinagbabayad siya ng kanyang Arabong amo sa mga nawalang piyesa na nagkakahalaga ng 6,000 Riyals o humigit kumulang P100,000.
Pinabulaanan ni Rommel Gamad ang bintang ni Redanny at ng kanyang mga kasamahan laban sa kanya. Nakahanda raw siyang humarap sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO, para sa ikaliliwanag ng paratang laban sa kanya.
Abangan!
E-mail us: [email protected]
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended














