^

PSN Opinyon

Sisihin ang NAPOCOR sa pagtaas ng PPA

- Al G. Pedroche -
NAG-AALBUROTO na naman tayo sa pagtaas ng Purchased Power Adjustment (PPA) sa ating electric bills. Tingin ko, ang National Power Corporation ang dapat dalirutin.

Pansamantala lang daw naman ito anang Meralco. Isinara ang Quezon Power generation para sa preventive maintenance sa loob ng 21-araw. Ang P11.5 sentimong dagdag sa PPA ay bunga raw ng average 10 centavos increase mula sa binibili nitong elektrisidad mula sa ibang suppliers para punuan ang kakulangang dulot ng pagsasara ng Quezon plant. Ito ay nahahati sa 5 sentimong dagdag sa cost of generation at 5 sentimong dagdag sa cost of transmission.

Bago ito, humingi ng pahintulot ang Meralco sa National Power Corporation-Transco para makakuha muna ng elektrisidad mula sa First Gas Plant. Tumanggi ang Transco. Di raw puwede dahil sa "systems constraints." Ang NPC-Transco ang may control sa transmission ng kuryente at may central dispatch sa lahat ng elektrisidad sa grid, kasama na ang hinahango ng Meralco sa kanyang mga IPPs.

Sa kabila nito, Meralco’s figure for the February supply, na siyang basehan para sa March PPA ay nagpapakita na ang kabuuang nahango sa mga IPP ay mas mababa sa kabawasan ng pansamantalang pagsasara ng Quezon Power Generation. Sa kabilang dako, ang deliveries ng NAPOCOR ay tumaas ng may 220 million KWH, at ang share nito sa supply mix ng Meralco ay tumaas mula 59.5 porsyento noong Enero sa 67.5 porsyento noong Pebrero.

Kung pumayag ang NPC-Transco na pansamantalang punuan ng First Gas ang kakulangan ng elektrisidad, hindi sana tumaas (kahit pansamantala) ang PPA, bagkus, ayon sa isang source sa Meralco, ito’y maaaring bumaba pa ng 4 sentimos bawat KWH.

Apektado rin ang PPA ng pagbagsak sa halaga ng piso. Pati halaga ng langis sa world market ay tumaas din.

APEKTADO

FIRST GAS

FIRST GAS PLANT

MERALCO

NATIONAL POWER CORPORATION

NATIONAL POWER CORPORATION-TRANSCO

PURCHASED POWER ADJUSTMENT

QUEZON POWER

QUEZON POWER GENERATION

TRANSCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with