^

PSN Opinyon

Darating ang araw, si Berroya na lamang ang maiiwan sa tabi ni GMA

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HAPPY 17th anniversary and more power sa Pilipino Star NGAYON!

Kung sino man ang nasa likod nitong one-year extension na iginawad kay Chief Supt. Reynaldo Berroya, ay mukhang pinaglalaruan niya ang intelligence hindi lang ng mga opisyales ng pulisya natin kundi maging ang kay Presidente Arroyo. Kasi nga sa ngayon pa lang eh demoralisado na ang hanay ng Philippine National Police natin at hindi nalalayo na ang kagustuhan ni GMA na maging ‘‘highly efficient and competent police force’’ ang PNP natin ay maapektuhan din. At sa tingin ko, kapag hindi kumilos si GMA para amuin ang mga nagrereklamong opisyales ng pulisya natin, darating ang araw na si Berroya na lamang ang matitira sa tabi niya para labanan itong tumataas na bilang ng street crimes sa bansa natin.

Kaya bang idepensa ni Berroya mag-isa itong gobyerno ni GMA? Tanong nga ng mga nag-uulol sa galit na mga junior officers na nakausap natin.

Ang kapwa graduate ni Berroya sa PMA at ang mga miyembro ng ROTC o PRIMO sa pulisya ay pumiyok na sa iginawad na extension. Tahasang sinabi nila sa kanilang magkaibigang tatlong pahinang manifesto na ang extension ni Berroya ay hindi lang makapag-antala ng promotion ng kuwalipikadong opisyal kundi maging cause pa ng breakdown of discipline sa hanay nila at iuurong pa nito ang pag-unlad ng PNP.

Ipinaalala nila na ang extension ay naging primerang dahilan para mag-aklas noong panahon ni Presidente Marcos ang Reform the Armed Forces Movement (RAM) at ang Young Officers Union (YOU) na ikinabagsak nga ng administrasyon niya. Aba, mukhang seryoso ang police cavaliers dito ah ’no mga suki? Nagbabanta na ba sila ng giyera?

Pero inamin ng police cavaliers sa PRIMO na may karapatan ang Napolcom na i-extend ang termino ni Berroya sa ilalim ng Section 39 ng R.A. No. 6975. Iginigiit naman ng mga police cavaliers na kung magkaroon man ng term extension ay dapat lang sa kasong highly meritorious at sa extraordinary times o ang opisyal na bibigyan nito ay naka-okupa ng mataas na position at wala ng iba pang makagawa ng trabaho niya. Ayon naman sa PRIMO dapat ang PNP chief lang ang gagawaran ng term extension.

Si Berroya naman ay gusto lamang na gamitin pa ang apat at kalahating taon niyang nawala sa serbisyo dahil nakulong siya sa kasong pagkidnap kay Taiwanese businessman Jack Chou. Napawalang-sala siya sa kaso at gusto lang niyang bumawi.

Ang contention naman ng mga junior officers na nakausap ko, bakit kailangan pang i-extend si Berroya eh maliwanag na may bahid na ng kasong kidnapping ang record niya at isa pa siya sa pitong matataas na opisyales ng PNP natin na ni-relieve ni Interior Secretary Joey Lina dahil sa kapabayaan sa jueteng.

Ang tanong nila sa ngayon, ano ang meritorious diyan sa record ni Berroya at kailangan pang palawigin ang kanyang serbisyo? Eh di ba si Lina rin ang chairman ng Napolcom? Bakit hindi niya hinarang ang extension ni Berroya? Hindi kasi nalalayo na ang jueteng sa lahat ng bahagi ng bansa ay mamumulaklak sa darating na mga araw kasi nga I-invoke ng mga opisyales ng PNP natin ang kaso ni Berroya na imbes na parusahan ay na-extend pa, di ba mga suki?

Kawawang PNP natin, ginawang laruan ng lalaking mataba at ganid sa pera na malapit kay GMA. Wala ka bang kabusugan Sir? Tanong ng mga junior officers ng PNP.

BERROYA

CHIEF SUPT

EXTENSION

INTERIOR SECRETARY JOEY LINA

JACK CHOU

NAPOLCOM

NATIN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with