^

PSN Opinyon

Mga estudyante, kadalasang biktima ng 'street crimes'

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
BATAY sa police reports, mga estudyante ang kadalasang biktima ng street crimes. Kung hindi hinold-up ay inaagawan ng cellphones. Hindi na mabilang ang mga estudyante na nagreklamo na sila’y hinoldap habang nakasakay sa FX at dyipni. Tinututukan sila at nililimas ang kanilang pera, alahas at iba pang gamit at may pagkakataon pang nari-rape ang mga babae.

Isang opisyal ng Central Police District (CPD) na nakapanayam ng BANTAY KAPWA ang nagsabi na marami nga ang naghain ng reklamo pero hindi naman tinutuluyang sampahan ng kaso ang mga nahuling suspek. Katwiran ng maraming biktima na maaabala lang sila at magagastusan pa kaya ang mga kaso ay nauuwi sa wala.

Kamakailan ay sinabon ni President Arroyo ang PNP dahil sa lumalalang krimen sa lansangan. Nairita ang Presidente sapagkat sa kabila ng kanyang suporta sa PNP laganap pa rin ang masasamang loob. Isang taon ang ibinigay na palugit ni Arroyo sa PNP para malutas ang problema sa street crimes. Hindi lamang sa Metro Manila laganap ang krimen kundi sa iba pang lugar. Maging sa Cebu ay nagaganap din ito. Isang Chinese-Filipino lawyer na nagngangalang Edward Uy ang pinaulanan ng bala hanggang sa mapatay ng dalawang nakamotorsiklong mga suspek. Si Atty. Uy ay pinagbabaril habang naglalakad sa Bgy. Kasambagan, Cebu City.

vuukle comment

BGY

CEBU

CEBU CITY

CENTRAL POLICE DISTRICT

EDWARD UY

ISANG

ISANG CHINESE-FILIPINO

METRO MANILA

PRESIDENT ARROYO

SI ATTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with